Wilbert Ross, nag-trending sa pagiging gentleman

MANILA, Philippines — Trending si Wilbert Ross dahil sa kanyang pagtulong sa isang matanda sa airport.
Makikita sa video na nauna siyang bumaba sakay ng escalator habang ang lola na may dalang trolley bag ay naghagdanan.
Galing Davao si WIlbert that time para sa kanyang birthday vacation.
Ang ginawa ni Wilbert ay nagmadali siyang bumaba sa escalator at saka niya inakyat sa hagdan ang lola upang kunin ang trolley bag nito na hirap na dalhin ng matanda.
Last week lang nag-birthday si Wilbert at aniya sa kanyang post ay nakapahinga siya.
“Coffee, slow mornings, at walang iniisip kundi pahinga—ito lang talaga ang kailangan ko ngayong birthday ko.
“I’m just too blessed and thankful this year to ask for anything more. Maraming salamat, Lord, sa panibagong taon para makalikha at makapag-share pa ng arts at music ko. Ang tanging hiling ko lang ngayon ay lakas at magandang kalusugan para masabayan ko lahat ng magagandang bagay na parating.
“Ready for what’s next. Let’s go!!!”
Anyway, officially sold-out na ang concert ni Wilbert this coming July 25 and 25, WRten by Wilbert, sa New Frontier Theater.
First major concert ito ni Wilbert sa 10 taon niya sa showbiz.
- Latest
























