Rhian, dedma pa sa kanyang istatwa!
Hindi lang pala sa statue ni Pops Fernandez sa STARtista Gallery may reklamo ang fans sa Star City. Pati pala statue ni Rhian Ramos, inireklamo rin dahil hindi raw kamukha ng aktres.
May nag-comment na mas kamukha ng statue ang isang sikat na digital creator content na hindi na namin pinangalanan para hindi na siya masama sa isyu. Ang comment ng fans, mukhang manas si Rhian sa statue niya at may nagbiro pa na ‘yun ang hitsura ni Rhian kapag basa.
Maganda-ganda ang comment sa statue ni Angel Aquino na “Parang sinaunang tao sa sibikang libro” at “Ano ba ‘yang outfit ni Angel” at ang request na ayusin ang statue nito.
Wala pang reaksyon si Rhian sa mga comment ng fans sa statue niya, busy pa ito sa pagwu-workout at pagbe-bake ng Bas Bakes cookies na kanyang business.
Nabasa namin ang pahayag ni Jerry Santos, ang lead artist ng STARtista Gallery at sabi nito, “Marami mang manlait sa mga social media posts, nakita naming masaya sa resulta ang client (Star City) at ang mga celebrities na pinagbasehan namin –‘yun ang pinaka-importante sa lahat. Salamat po sa tiwala.”
Ayon pa kay Mr. Santos, isa ang STARtista sa kanilang best projects at nagpasalamat at proud sa mga artista na sumuporta sa proyekto.
Samantala, mukhang hindi happy sina Pops Fernandez at anak na si Robin Nievera sa statue ng mom niya. Sabi ni Robin, “Damn, I thought my mom’s was bad” at ang dating nito sa mga nakabasa, hindi lang ang statue ni Pops ang tinukoy.
Si Pops naman, nag-post na photo nya na parang statue rin at short hair siya. “Sana po ganito man lang” ang reaksyon.
May kasamang laughing at peace emojis ang post ni Pops. Hindi siya galit at hindi rin kinol out ang Star City at ang artist. Parang gusto lang nitong iparating na sana maayos ang kanyang statue para iwas bashing.
Wax figure ni Kathryn, dadalhin sa Pilipinas
May unveiling naman sa Madame Tussauds wax figure ni Kathryn Bernardo at mangyayari ito sa July 9, sa Makati sa Glorietta Palm Drive Activity Center. Sa Pilipinas ang unveiling at hindi sa Hong Kong na unang nabalita.
Ang mangyayari, dadalhin dito ang wax figure at ibabalik sa Hong Kong after ng unveiling. First time na gagawin ng Madame Tussauds na dito gawin ang unveiling dahil ang unveiling ng Madame Tussauds wax figure nina Lea Salonga, Anne Curtis, Pia Wurtzbach, Catriona Gray at Manny Pacquiao ay sa Hong Kong ginawa.
Pabor sa fans ni Kathryn na dito ‘yun gawin, hindi na sila lilipad pa-Hong Kong at mas marami silang makakasaksi.
May pa-contest ang Madame Tussauds para sa unveiling ng wax figure ni Kathryn na nagsimula noong June 22 to 25. Twenty ang i-a-announce na winners sa June 30, hindi nga lang nabanggit kung ano ang mapapanalunan ng winners.
- Latest























