Sofia, nakiramay sa pamilya ni Rene!

Hindi lang basta naantig si Sofia Andres sa nangyari sa namayapang mga estudyanteng atleta na sina Rene Clert Baterbonia and Divine Adili ng Ateneo. Bumiyahe pa siya sa Talacogon, Agusan del Sur para makiramay sa pamilya ni Rene.
Makikita nga sa post ni Sofia sa kanyang Instagram stories ang lugar na nakalagay ang maraming bulaklak ng pakikiramay sa nalunod na basketbolista.
Marami ring naglabasan sa social media na kasama niya sa picture ang pamilya nito.
“My hope is that truth, fairness, and compassion will always prevail. Na sa ating bansa, ang hustisya at pag-asa ay hindi nakadepende sa estado sa buhay, kundi pantay na naipagkakaloob sa lahat.
“Para ito sa lahat ng may malalaking pangarap. Sa lahat ng lumalaban para sa pamilya. At sa paniniwalang may puwang pa rin ang malasakit, dignidad, at pagkakapantay-pantay sa ating lipunan,” naunang post ni Sofia last week.
Ang dami ngang umaasa na kahit may ibang pangyayari na – shooting incident sa Tacloban sa eskwelahan – ay hindi makalimutan ang nangyari kina Rene at Divine at managot kung sinuman ang dapat na parusahan.
Mga bata ang namaril at napatay kaya talagang kaya marami rin ang apektado.
Bukod kay Sofia, bumiyahe rin sa Agusan si PBA Barangay Ginebra player Scottie Thompson.
- Latest






















