^

PSN Showbiz

Maui Taylor, request si Wendell; Hot Babes, may gagawing MILF

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maui Taylor, request si Wendell; Hot Babes, may gagawing MILF
Maui Taylor
STAR / File

Dahil sa kasikatan muli ng SexBomb Dan­cers, nauuso na talaga ang mga flashback o nostalgic na project.

Maganda ang resulta sa takilya ng Home Along Da Riles: Da Reunion na kumita ng P25 million ang first week nito.

Kahit sumabay siya sa Toy Story na napakalakas, kumita naman ng ganitong halaga,

Ang 1st week ng Toy Story ay P128M, kaya naglabas naman ang Home Along Da Riles ng padded na P35M.

Dahil sa nauuso ang mga flashback na materials, tinanong namin si Maui Taylor kung naiisip ba nilang mag-reunion ang Viva Hot Babes, kagaya ng SexBomb Dancers.

Meron na pala silang pinaghahandaang film project na kung saan ay magsasanib sila nina Katya Santos, Gwen Garci at Sheree para sa isang pelikula.

Bagay na bagay sa kanila ang title ng pelikulang gagawin nila, ang Project MILF (Mother I’d Like to Fuck).

“‘Yun ang pinakaaabangan na reunion ng mga napatangkad natin!” bulalas ni Maui sa opening ng STARtista Gallery noong Hunyo 19, 2026, Biyernes ng hapon sa Star City, CCP Complex, Pasay City.

“Batambata ang mga leading man! Title pa lang, aabangan na nila talaga.

“Because sasabihin nila, ‘Ay! Bakit MILF?’ Alam naman natin ang meaning ng MILF, ‘di ba?

“So, the title itself, e, alam n’yo na kung ano ang mang­yayari sa pelikula,” natatawang tsika sa amin ni Maui.

May mga bagets silang mga kasama diyan, pero may request daw sana silang leading man na nakatrabao na nila noon.

Aniya, “Ang nire-request talaga namin, ang isa sa mga guys sa MILF, si Wendell (Ramos).

“Kaya lang, parang hindi yata puwede si Wendell ngayon.”

Dahil relihiyoso na si Wendell? “Yes. Nag-ano na si kapatid, hindi na,” natatawang pag-amin ni Maui.

“Pero request talaga namin siya. Kasi, siya naman ‘yung leading man of all-time nung panahon namin,” sabi pa nito.

Hindi naman daw siya nao-offend kung tawagin siyang MILF, at okay lang kay Maui ang mother roles na inaalok sa kanya.

Malalaki na raw ang mga anak niya, kaya okay lang sa kanya ang mag-nanay sa mga kilalang batang artista.

Pero napapanatili pa rin ni Maui ang ganda ng katawan, kaya bagay na na bagay talaga ang tawagin siyang MILF.

Hindi lang daw siya ‘yung tipong pumapatol sa mga mas bata sa kanya. “Ay, wala! Hindi talaga, hindi ko kaya,” bulalas nito.

“Ayoko kasi ikaw ang gagastos dun. Ikaw ang gagastos dun, ‘di ba? Baliktad. Dapat men spend on you, not you spending on young men. Hindi ako ganun. No, no talaga,” natatawa niyang pahayag.

Favorite song, hilaw pa?!

Ang tindi ng promo, lalo na sa online nito, ng bagong teleserye ni Coco Martin na Sigabo, kaya ina­asahan naming hahataw ang rating ng pilot episode nito nung Lunes, June 22.

Pero mataas pa rin ang katapat nitong The Master Cutter ni Dingdong Dantes.

Ayon sa NUTAM Survey ang Master Cutter ay 9.9 percent, at ang aggregated ratings ng Sigabo na simultaneous na umere sa TV5, A2Z, AllTV at Kapamilya Channel, naka-8.2 percent ito.

Kahit nga ang single channel na sa GMA 7 lang ay mataas pa rin itong serye ni Dingdong. Nakapagtala ito ng 8.4 percent sa GMA 7 lang.

Ang tindi pa naman ng action scenes ni Coco, pero mukhang na-capture na ng Master Cutter ang regular viewers nito.

Noong Lunes din nagsimula sa afternoon drama ang You’re My Favorite Song na pinagbidahan ni Caprice Cayetano kasama sina Heath Jornales, John Clifford at Marco Masa.

Pero naka-3.7 percent lang ito.

Parang kulang pa kasi sa promo at baka hilaw pa para magdala ng show sila Caprice at ang mga kabataang taga-Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0.

Samantala, noong Biyernes naman nagtapos ang Apoy Sa Dugo nina Derrick Mo­nasterio at Elle Villanueva, naka-4.5 percent naman ang rating ng finale episode nito.

MAUI TAYLOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with