Ilang kalsada sa Maynila, sarado sa SOCA ni Isko
MANILA, Philippines — Pansamantalang isasarado ng mga awtoridad ang ilang kalsada sa lungsod ng Maynila upang bigyang-daan ang pagdaraos ng State of the City Address (SOCA) ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, gayundin ang pagdiriwang ng ika-455 Araw ng Maynila, ngayong araw, Hunyo 24, 2026.
Nabatid na simula alas-12:00 ng tanghali ngayong Miyerkules, pansamantalang isasara ang South Drive mula Roxas Boulevard hanggang Independence Road gayundin ang Katigbak Drive mula Roxas Boulevard hanggang Independence Road.
Itatalaga naman bilang parking areas ang loob ng Hotel H2O parking area, Roxas Boulevard isang linya ng TM Kalaw Avenue (westbound at eastbound) mula Roxas Boulevard hanggang Maria Orosa St., Maria Orosa St. (southbound) mula P. Burgos Avenue hanggang T.M. Kalaw Avenue at Bonifacio Drive (northbound).
- Latest
















