^

Police Metro

Top NPA lider, 1 pa utas sa encounter

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang high ranking na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at isa pang miyembro ang nasawi matapos makasagupa ang tropa ng militar sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Bukidnon, kamakalawa.

Sa ulat ni Army’s 4th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Marion Angcao, kinilala ang napatay na lider ng komunistang grupo na si Romeo Manpinsahan, gumagamit ng mga alyas na “Ka Kakoy” at “Ka Yuman”; Commanding Officer ng Headquarters Force NEP sa ilalim ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) ng NPA Command.

Sa ulat, alas-11:35 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng Army’s 8th Infantry Battalion (IB) ang grupo ni Ka Kakoy sa Brgy. Silae, Malaybalay City matapos isumbong ng mga residente ang presensya ng mga armadong NPA sa kanilang lugar.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng mahigit 5 minuto na ikinasawi ni Ka Kakoy na inabandona ng mga nagsitakas nitong kasamahan.

Nakumpiska sa encounter site ang dalawang mahahabang armas na may magazine, mga bala at isang backpack.

Nitong Linggo ng hatinggabi ay unang nakasagupa ng mga tauhan ng 1st Speacial Forces Battalion (SFB) ang isang grupo ng mga rebelde sa Brgy. Iba, Cabanglasan, Bukidnon na ikinasawi naman ng isang miyembro ng NPA na nakilala namang si Edward Pantandon alyas “Ka Wando” na nakumpiskahan naman ng isang M16 rifle.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with