^

Punto Mo

Bilisan ang pagpapatupad ng National Nutrition Program - Speaker Dy

Butch Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni House Speaker Faustino ‘Bojie’ G. Dy III, na dapat nang pabilisin ang pagpapatupad ng National Nutrition Program matapos lumabas ang bagong datos ng gobyerno na nagpapakitang tumaas ang bilang ng mga batang nakararanas ng stunting sa bansa.

Batay sa ulat ng Department of Science and Technology Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), umakyat sa 25.3 porsiyento ang kaso ng child stunting noong 2025, isang sitwasyong ikinababahala ng Kamara de representantes.

Ayon kay Dy, pinatutunayan ng datos ang kahalagahan ng House Bill No. 9466, isang panukalang inaprubahan ng Kamara upang palawakin ang mga programang pangnutrisyon para sa mga bata, buntis, at iba pang mahihinang sektor ng lipunan.

Binigyang-diin ni Dy na ang malnutrisyon ay hindi lamang usapin ng kalusugan, kundi isang suliraning direktang nakaaapekto sa edukasyon, ekonomiya, at kinabukasan ng bansa.

Inaprubahan ng Kamara ang HB 9466 sa ikatlo at huling pagbasa bago matapos ang Unang Regular na tesyon ng Kongreso. Layunin nitong palawakin ang saklaw ng kasalukuyang batas sa school feeding program upang mas maraming batang Pilipino ang mabigyan ng sapat na nutrisyon.

Saklaw ng panukala ang lahat ng mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3, mga batang kulang sa nutrisyon mula Grade 4 hanggang Grade 12, mga buntis na mag-aaral, mga batang may kapansanan, mga katutubong mag-aaral, at iba pang sektor na nangangailangan ng agarang tulong.

Kasama rin sa programa ang pagpapalakas ng nutrisyon para sa mga ina, pagbibigay ng micronutrients, milk feeding, mga programang pangkalinisan at sanitasyon, edukasyon sa tamang nutrisyon, at suporta sa mga lokal na magsasaka at mangingisda.  

NUTRITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with