May fans pa pala kami’ - Rochelle

Naging matagumpay ang Get, Get Aw! concert ng Sexbomb Girls kamakailan sa California. Masayang-masaya si Rochelle Pangilinan dahil sa mainit na pagtanggap sa kanilang buong grupo ng mga kababayan nating Pinoy sa Amerika.
“Lahat sila sabay-sabay na sumasayaw at kumakanta talaga from the very start ng concert hanggang huli. Alam nila lahat ng kanta ng sexbomb. Wala eh, parang kami rin parang naglalaro na lang din,” nakangiting pahayag ni Rochelle.
Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala ang dancer-actress na talagang napupuno ang kanilang mga concert venue mula pa noong isang taon. “May fans pa pala kami. And ‘yun ‘yung nakaka-overwhelm. Maliit o malaking venue, ‘pag sabay-sabay mong naririnig na parang national anthem ‘yung kanta nami, talagang nakakaiyak,” pagbabahagi niya.
Para kay Rochelle ay masaya rin na nakapagbabakasyon silang grupo ngayon. Hindi raw kasi naranasan ng Sexbomb Girls noon na makapag-bonding dahil sa kabi-kabila nilang trabaho. “No’ng kabataan naman namin, ‘di naman kami nakalabas nang gano’n. Kasi karamihan dati, pagdating sa isang lugar, madilim na. Sasayaw ka, tapos uuwi ka na. so hindi naman siya nag-e-enjoy nang katulad ngayon,” paliwanag ng dancer-actress.
Sa susunod na buwan ay sa Canada naman mag-iikot ang Sexbomb Girls para sa kanilang world tour. Maaaring mapanood ang Get, Get Aw! Canada sa Edmonton Expo Center sa July 10, Sasktel Centre sa July 11, Great Canadian Casino Resort sa July 17, Southeast Event Centre sa July 18, Queen Elizabeth Theatre sa July 24, at Grey Eagle Event Centre naman sa July 25.
Josh, matagal pa bago maka-recover sa operasyon!
Nakabalik na si Josh Ford sa trabaho pagkatapos sumailalim sa isang operasyon. Kahit nagtatrabaho nang muli ay aabutin pa umano ng dalawang buwan ang tuluyang paggaling ng Kapuso actor. “I had an ear surgery for my perforated eardrum. Ang ginawa po ng doctor, myringoplasty. Tinakpan lang po nila para I can finally swim or shower normally at mas better po ‘yung hearing ko. And ‘yung pala sa nose ko naman po is my sinus. I had a polyps removal,” pagdedetalye ni Josh sa 24 Oras.
Nagkaroon ng naturang kondisyon sa tainga ang binata pagkatapos ng malagim na car accident noong 2023.
Si Josh lamang ang nag-iisang nabuhay sa kanilang apat na magkakaibigan kabilang ang aktor na si Andrei Sison. Matatandaang naibahagi ng Kapuso actor sa publiko noong isang taon na pinag-iipunan pa niya ang gagawing ear drum surgery. “I’m still trying to save up for the surgery and if I have time sana magawa ko na rin. Kasi it takes a while for it to heal. Mahaba ‘yung recovery period niya. Hopefully soon, magawa ko na blessings for more income, more money para magawa ko na,” pahayag ng aktor noon.
(Reports from JCC)
- Latest





















