‘Wanted’ na CTG member, timbog sa Quezon
CAMP NAKAR, Lucena City , Philippines — Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang isang wanted na Communist Terrorist Group (CTG) personality at narekober sa kanyang pag-iingat ang mataas na kalibreng armas at mga bala sa operasyong isinagawa sa Lopez, Quezon, kamakalawa.
Ayon kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol.Romulo Albacea, bandang ala-1:15 ng hapon ay matagumpay na naisilbi ng mga operatiba ng Lopez Municipal Police Station (MPS), katuwang ang 85th Infantry Battalion, RIU 4A PIT South Quezon, 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC), at 405th Maneuver Company, RMFB 4A, ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 62, Gumaca, Quezon sa kasong attempted murder laban kay “Ka Joan,” isang CTG personality at dating Squad Leader ng Platun Reymart, SRMA-4B, sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Bocboc, Lopez, Quezon.
Narekober ng mga awtoridad ang isang M16 Bushmaster rifle, dalawang magasin, 70 bala ng 5.56mm, at tatlong bala ng 12-gauge shotgun.
- Latest

















