^

Pang Movies

Joshua, nahawa kay John Lloyd!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Joshua, nahawa kay John Lloyd!
Joshua Garcia
STAR / File

Flattered and at the same time ay hiyang-hiya si Joshua Garcia na laging nakukum­para kay John Lloyd Cruz dahil para sa kanya, hinding-hindi niya mapapantayan ang kanyang iniidolong aktor.

Sa panayam niya sa Oh My Gan digital show ay naitanong sa kanya kung ano ang nararamdaman niya kapag nako-compare kay Lloydie. “Siyempre, nakakataba ng puso ba, pero wala, eh, hindi ko mapapantayan ‘yun, ‘di ba?” sey ni Joshua.

Dagdag pa niya, “saka wala pa ako sa kalingkingan ng mga nagawa niyang pelikula.”

Nang punahin ng host na si Ganiel Krishnan na pati nuances niya sa acting ay parang John Lloyd din, natatawang sey ni Joshua, “kasi parati n’yong sinasabi na kamukha ko, ‘yan tuloy, nahahawa na ‘ko.”

Sambit pa niya, “pero idol ko ‘yun. Nagkikita kami sa mga parties, talagang nai-starstruck pa rin ako sa kanya ‘pag nakikita ko.”

When asked kung alam ba ni Lloydie na pinagkukumpara sila, saad ni Joshua, “feeling ko alam niya, kasi may nakita ako na mga interviews niya na rin na sinasabi ‘yun. Pero parang sabi niya, parang ‘si Joshua ay si Joshua,’ something like that.”

Mula sa pagiging housemate sa Pinoy Big Brother, malayo na ang narating ni Joshua pero napaka-humble naman ng aktor na hindi niya itinuturing na malaking artista ang kanyang sarili. “Sakto lang,” sey niya.

Isha, full force ang likas!

Sold-out ang Likas album launch ng singer/songwriter na si Isha Ponti last Saturday night na ginanap sa Viva Café.

Punung-puno ang venue at marami ang hindi na nakaupo.

Bukod sa in full force na dumalo ang kanyang pamilya, naroroon din ang kanyang friends and classmates from Enderun kung saan siya kasalukuyang nag-aaral.

Isha performed all the 10 tracks included in her Likas album such as Darating, Numero, Hinga, Halika, Warmth, Gulong, Bakas, Riversky, Mismo, at ang carrier single na Kabanata. These are all originals na siya lahat ang nagsulat.

Sa true lang, magaganda ang lahat ng songs na may kanya-kanyang tema at hugot.

Bumirit din si Isha sa cover niya ng kanta ni Janine Berdin na What if I Miss You For the Rest of My Life na talaga namang pinalakpakan ng audience.

Kitang-kita sa 19-year-old-singer na very passionate siya sa kanyang ginagawa at obvious na love niya talaga ang pagkanta.

In one interview ay sinabi niyang priority niya talaga ang paggawa ng kanta at ang kanyang studies. She’s a freshman taking up Multimedia Arts at Enderun College.

Binansagang Asia’s Pop Sweetheart, bata pa lang si Isha ay mahilig na talaga siyang magsulat ng mga kanta. Sa ngayon ay may 29 songs na siyang nagagawa para sa kanyang sarili at sa iba ring artists.

Nominated din ang dalaga sa dalawang kategorya in the upcoming PMPC 17th Star Awards for Music - Christmas Song of the Year for Christmas With You and New Female Recording Artist of the Year.

Out na ang Likas sa Spotify at sa lahat ng streaming flatforms, gayundin ang music video ng Kabanata sa YouTube.

JOSHUA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with