Parak inutas habang nagdarasal sa mosque
MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang pulis nang ito ay malapitang barilin sa ulo ng isang gunman habang nagdarasal sa loob ng isang mosque sa Barangay Uyaan Proper, Madamba, Lanao del Sur nitong gabi ng Sabado.
Sa ulat nitong Linggo ni P/Capt. Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nagsasagawa ng isha, ang panglimang dasal sa Islam bawat araw, si Chief Master Sgt. Alioden Sarangani nang lapitan ng isang lalaking armado ng baril at agad siyang pinaputukan ng ilang beses sa ulo na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Agad na nakatakbo ang gunman na sinamantala ang komosyon sa loob ng mosque at iniwang nakabulagta, wala ng buhay ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso at pagkilala sa gunman.
- Latest















