^

Police Metro

Lalaki itinumba sa harap ng bahay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang 29-anyos na lalaki nang barilin ng hindi pa tukoy na gunman sa harap ng kannyang bahay sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si alyas “Malinao”, binata, at residente ng Area 6B, Brgy., Holy Spirit, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-7:15 ng gabi ng Hunyo 20, sa harap ng kanyang bahay sa Area 6B Nawasa Lane, Brgy., Holy Spirit ay kalalabas pa lang nito ng bahay nang makarinig ng apat na putok ang kapatid na si alyas “Elmer’, 33.

Lumabas si Elmer at laking gulat na ang kapatid ang nakitang duguang nakahandusay.

Mabilis na dinala sa pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay.

Nagsasagawa pa ng follow-up investigation, backtracking sa mga CCTV video footage sa lugar para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman at maaresto at malaman ang motibo sa pamamaslang.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with