OPM Con 2026, sold-out kaagad
Good to hear na sold-out na ang OPM Con Generations 2026!
At least hindi na lang mga foreign concert ang nagso-soldout agad.
Dinumog daw talaga sa rami ng mga tagasuportang nag-agawan para makakuha ng mga inaabangang tiket para sa ikatlong edisyon ng OPM Con, kaya punung-puno ang Araneta Coliseum sa Hulyo 11.
Patunay lamang ang napakalaking kasabikan at masugid na pagtangkilik sa mga local artist tulad ng SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA at Xonara—kung saan nga pinagsama-sama ang mga pinakasikat na local artist.
“Isang malaking tagumpay ng Puregold ang maubos ang mga tiket ng aming ikatlong OPM Con sa loob lamang ng dalawang araw,” sabi ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold. “Hindi lamang mga performer ang ating mga mga bida sa concert; sila ang nagbibigay ng himig sa mga pang-araw-araw na sandali, mahahalagang yugto, at mga alaalang pinahahalagahan natin. Pinagsasama ng Puregold OPM Con 2026 ang mga karanasang ito sa iisang lugar, isang pagdiriwang ng mga artista at kanilang mga tagahanga.”
Sa OPM Con Generations 2026 ang kauna-unahang pagkakataon na naubos ang lahat ng tiket sa loob lamang ng dalawang araw. Upang makuha ang kanilang mga tiket, nagpalipas ng magdamag at maagang pumila ang mga sa mga kalahok na tindahan o branch ng Puregold, habang namimili ng mga groseri na katumbas ng halaga ng kanilang napiling seksyon ng upuan o ticket tier.
- Latest
























