^

PSN Opinyon

Sunud-sunod na krimen ng kabataan

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Sunud-sunod ang balita ng karahasan na kinasasangkutan ng kabataan. Nariyan ang pananaksak sa loob ng iskul. Ang mga lugar na dapat ay ligtas at nagsisilbing tahanan ng pagkatuto ay nagiging eksena ng karahasan. Ang mga estudyanteng dapat nakatutok sa kanilang kinabukasan ay nauuwi sa gulo at krimen.

Isang nakalulungkot na halimbawa rin ang pagpatay sa isang senior na napagtripan at binugbog ng anim na menor-de-edad na tila wala ng takot sa batas. Isa ring PWD ang pinatay sa gulpi ng mga kabataan. Pinakamasakit marinig ang kaso ng 6-anyos na ni-rape umano ng grade 2.

Ang ganitong uri ng krimen ay hindi lamang usapin ng kabataan kundi ng mas malalim na problema sa lipunan. Maraming kabataan ang lumalaki nang kulang sa suporta ng pamilya o komunidad. Ang impluwensiya ng barkada ay malakas, lalo na kung ang grupo ay nakikibahagi sa maling gawain. Nagiging plataporma rin ang social media sa pagpapalaganap ng maling gawain, mula sa cyberbullying hanggang sa recruitment para sa gang.

Kung hindi kikilos ang pamahalaan, paaralan, at pamilya, ang mga insidenteng tulad ng pananaksak, pambubugbog, at pang-aabuso ay patuloy na uulit at mag-iiwan ng sugat sa kinabukasan ng bansa.

Dapat magpatupad ng mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan upang maiwasan ang karahasan. Palakasin din ang luvenile justice system upang matiyak na may pananagutan ang mga menor-de-edad na sangkot sa krimen. Higit sa lahat, kailangan ang aktibong papel ng pamilya sa paggabay at pagdidisiplina.

Ang kabataan, na dapat sana’y pag-asa ng bayan, ay nagiging banta na sa kapayapaan.

KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with