^

Probinsiya

Transwoman inutas sa sakal ng ex-lover!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Transwoman inutas sa sakal ng ex-lover!
Detail of a satellite map of Jaen in Nueva Ecija.
Google Maps

Bangkay itinapon sa irigasyon

MANILA, Philippines — Dahil ayaw umanong makipagbalikan, pinatay sa sakal ang isang 20-anyos na transwoman ng dati umanong boyfriend nito sa bayan ng Zaragosa sa Nueva Ecija, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Nueva Ecija Police, ang bangkay ng biktima na nakilalang si Bella Lutap na dalawang araw nang nawawala ay nadiskubre ng isang magsasaka ang bangkay sa isang irrigation canal dakong alas-3:40 ng hapon nitong Biyernes.

Ayon sa pulisya, ang nasabing magsasaka ay ama ng 20-anyos na si Calvin, ex-boyfriend ni Lutap, na bumisita lang sa kanilang palayan at dito niya natuklasan ang bangkay ng biktima.

Agad na ini-report ng matanda sa pulisya ang pagkakadiskubre sa bangkay ng transwoman.

Sa report ni P/Major Nelson Sarmiento, hepe ng Zaragosa Police, ang bangkay ng biktima ay itinali pa umano sa malaking bato upang hindi lumutang ang katawan mula sa ilalim ng tubig ng irigasyon.

Lumilitaw sa forensic investigation na si Lutap ay nasawi sa pananakal na napaulat na nawawala­ may dalawang araw na ang nakalilipas bago nadiskubre ang krimen.

Sa isinagawang backtracking sa CCTV footage ay lumilitaw na noong Miyerkules ay sinundo si Lutap ng nasabing dating nobyo nito para umano sila mag-usap kasama ang mga kaibigan na mag-iinuman sa isang bar pero hindi na nakauwi pa ang biktima.

Samantala, humingi naman ng tawad ang suspect sa sinapit ng biktima pero todo tanggi na siya ang pumaslang sa transwoman.

CCTV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with