USA dinomina ang Philippine leg
MANILA, Philippines — Dinomina ng USA squad ang Philippine Leg matapos nilang ikahon ang 25-22, 18-25, 25-16, 25-19 panalo kontra Serbia sa Philippine Leg ng Volleyball Nations League (VNL) women’s week 2 na nilaro sa PhilSports Arena sa Pasig City kahapon.
Winalis ng American netters ang apat na laro nila dito sa Pilipinas upang mapaganda ang karta nila sa 7-1 sa event na suportado ng Philippine Sports Commission.
Pinakamataas na points ang kinubra ng USA sa Pool Five action, nakalikom ito ng 12 para sa kabuuang 20 sa provisional lead ng Week Two sa premier annual international competition ng FIVB.
Habang ang unbeaten na Brazil ay may 19 points matapos ang four-set win sa China at haharapin nila ang Germany sa Ankara leg sa Turkiye.
Nagsanib sa opensa sina Avery Skinner at Logan Eggleston upang akbayan ang USA squad na sikwatin ang four-game winning streak at ilista ang 7-1 record .
Bakbakan ang nasilayan ng mga Filipino fans sa unang dalawang set kung saan ay nagtabla ito sa 1-1 bago binarog ng USA ang dalawang huling frames.
Unang pinagpag ng USA ang Dominican Republic, 25-20, 25-19, 25-12, sunod ang Czech Republic, 25-17, 25-12, 25-15 at pangatlo ang defending champion Italy, 27-25, 25-20, 25-16 noong Sabado ng hapon.
Bumira si Skinner ng 18 points mula sa 16 attacks at tig-isang block at service ace habang 17 ang tinipa ni Eggleston kasama ang 16 kills at isang butata.
Ang top eight teams pagkatapos ng nine-leg three-week preliminaries ay uusad sa final sa Macau.
- Latest






















