^

Metro

FBI’s most wanted fraudster timbog sa Bureau of Immigration

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
FBI’s most wanted fraudster timbog sa Bureau of Immigration
Napag-alaman ng naisuko na ng BI at nakarating na sa Estados Unidos ang most wanted fraudster ng FBI na si Herbert Leon Kimble na dinakip ng BI-Fugitive Search Unit ng BI sa isang casino sa Pasig City.
Pixabay

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa isang casino sa Pasig City ang isa sa mga most wanted fraudster sa Amerika ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Napag-alaman ng naisuko na ng BI at nakarating na sa Estados Unidos ang most wanted fraudster ng FBI na si Herbert Leon Kimble na dinakip ng BI-Fugitive Search Unit ng BI sa isang casino sa Pasig City.

Iniulat ng US Department of Justice, na ilang buwan ang ginawang pagtunton ng mga ahente ng BI-FSU sa kinaroroonan ni Kimble bago madakip.

Sa rekord ng FBI, Abril 4, 2019, nagpasok ng guilty plead si Kimble sa US District Court ng District of South Carolina, Columbia Division, sa conspiracy charges kaugnay sa panloloko sa US, sa claims sa federal agency, mail fraud, wire fraud, healthcare fraud, at pag-aalok ng kickbacks at panunuhol para sa kanilang fraud scheme.

Noong Agosto 27, 2024 ay hindi na sumipot si Kible sa korte para basahan ng sentensya kaya agad na nag-isyu ang mga awtoridad ng arrest warrant. Akusado si ­Kimble sa ­pagmamanipula ng mahigit $1.2 bilyon sa Medicare fraud— ang pinakamalaking kaso ng healthcare na nilitis sa Amerika.

May patong na $150,000 para sa impormasyong makapagtuturo at madakip si Kimble.

BUREAU OF IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with