Sofia, nakisali na sa mga umaasa sa mananagot kina Rene at Divine

Maging si Sofia Andres ay naantig kaya naghihintay ng resulta sa nangyari sa namayapang mga estudyanteng atleta na sina Rene Clert Baterbonia and Divine Adili.
Nailibing na si Rene at naiuwi na si Divine sa Nigeria, pero hindi nawawala ang pait at sakit sa mga naapektuhan sa nangyari na kahit anong sabihin ay maiintindihan mo ang nararamdaman ng ina.
Ayon sa post ni Sofia, “As a woman, a mother, and someone who understands what it means to carry res/ponsibilities for the people you love, hindi ko maiwasang maantig sa kwento nina Rene at Adili.
“Behind all the headlines and noise, I see two people with dreams, families, and loved ones who depend on them. Bilang mga breadwinner, hindi lang sarili nilang kinabukasan ang dala nila, kundi pati ang pag-asa ng kanilang mga pamilya.
“Napakapalad nila na nabiyayaan ng talento, sipag, at pamilyang patuloy na sumusuporta sa kanila.
“At nakita rin natin kung paano magmahal ang mga Pilipino. The outpouring of support, empathy, and concern for these two athletes is a reminder of who we are as a people marunong tayong makiramay, umunawa, at tumindig para sa kapwa.
“My hope is that truth, fairness, and compassion will always prevail. Na sa ating bansa, ang hustisya at pag-asa ay hindi nakadepende sa estado sa buhay, kundi pantay na naipagkakaloob sa lahat.
“Para ito sa lahat ng may malalaking pangarap. Sa lahat ng lumalaban para sa pamilya. At sa paniniwalang may puwang pa rin ang malasakit, dignidad, at pagkakapantay-pantay sa ating lipunan.?”
Sana talaga ay may managot at hindi makalimutan ang nangyari sa kanila.
Charo, ipakikilala ang pinoy mythology sa mundo
Ayaw talagang paawat ni charo santos-concio.
Bida ngayon sa kauna-unahang makabagong Pilipinong animated fantasy series na Sun Chaser ang award-winning actress na mapapanood nang libre sa YouTube simula Hunyo 23 (Martes), 12nn.
Prinoduce ng Manila-based Toon City Animation at Playlab, itinuturing na mahalagang hakbang para sa Philippine animation industry ang Sun Chaser bilang isang creator-owned series na binuo at ginawa sa Pilipinas habang ipinapakilala ang Filipino mythology sa buong mundo.
Makakasama ni Charo sa serye sina Manny Jacinto, Liza Soberano, Eugene Cordero, Dingdong Dantes, Zia Dantes, J.R. De Guzman at Star Magic artists na sina AC Bonifacio at KD Estrada.
Umiikot ang kwento ng Sun Chaser kay Jordan Santos (Manny), isang teenager na dumating sa Pilipinas para magbakasyon. Ngunit nagbago ang lahat nang may isang supernatural na banta ang gumulo sa kanilang isla. Habang unti-unting nabubunyag ang mga sinaunang kapangyarihan at matagal nang nakatagong lihim ng kanilang pamilya, matutuklasan ni Jordan ang misyong hindi niya inaasahan—ang pangalagaan ang hangganan sa pagitan ng mundo ng tao at ng mga espiritu.
Ang nasabing serye ay nilikha ng Pilipinong animation talents na sina Bobby Pontillas at Bernard Badion. Si Bobby ay isang Disney Animation veteran na kabilang sa mga proyektong Zootopia, Moana, Big Hero 6 at Wreck-It Ralph, at nominado rin sa Academy Awards para sa animated short film na One Small Step noong 2018. Samantala, si Bernard naman ay nakapag-develop ng mga proyekto para sa malalaking studio sa Los Angeles kabilang ang Transformers: EarthSpark.
Nakakuha na rin ng international recognition ang Sun Chaser matapos nitong mapanalunan ang Animation du Monde Prize para sa international projects sa Annecy/MIFA 2025, isa sa pinakakilalang pandaigdigang plataporma para sa umusbong na animated projects at independent series.
Mapapanood nang libre ang pilot episode ng Sun Chaser sa YouTube simula Martes (Hunyo 23) alas-dose ng tanghali.
- Latest





















