^

Pang Movies

Pinaghirapang pera ni Tolits, naloko sa biniling bahay

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pinaghirapang pera ni Tolits, naloko sa biniling bahay
Tolits
STAR/ File

Sa panayam ni Kara David sa dating child actor na si BJ Forbes o Tolits, binalikan nito ang isa sa pinakamadilim na yugto ng buhay niya — naubos ang ipon at pinalayas pa umano sila sa sariling bahay.

Ayon kay BJ, mula sa pagiging child star na kaliwa’t kanan ang trabaho, dumating ang panahon ng pagbibinata o “awkward stage” kaya biglang humina ang mga proyekto.

“So, du’n dahil nga nawala sa bahay, sustain na lang ‘yung projects na dumara­ting para sa panga­ngailangan, du’n na ako parang nagsimula na ma-depress nu’ng walang income. Na parang, ang tingin ko sa sarili ko, I’m just something na ‘pag walang kuwenta, wala nang silbi, I can go. Parang gano’n,” sabi ni BJ.

Sa kabila ng hamon, sumubok si BJ sa teatro.

“Dahil unang-una, nai-express ko, ‘yung nagawa ko siyang outlet na nakakaarte pa rin ako, nailalabas ko ang emotions ko. At the same time, kumikita. So, ‘yun. Tapos, ganu’ng time, nagta-try na din ng iba’t-ibang side hustles,” kuwento niya.

Ikinuwento rin ni BJ nang mawala ang kanyang pinaghirapang pera na ipinambili ng kanyang ina ng bahay. “Ang kuwento sa akin, bumili si mama ng bahay using my money. Binili niya sa ninang ko. I’m not sure kung magkano talaga ang naibigay, but the worth nu’ng bahay, parang nasa P2.5, to P3M,” ayon kay BJ.

Nang pumanaw ang kanyang ninang, dito nagsimula na unti-unting nawala sa kanila ang bahay. Hindi raw nailaban nila BJ ang bahay sa legal na pa­raan. “Ang sabi ni mama, naloko siya, nawala ‘yung tamang titulo, ganyan. But then, growing up, ‘yun ‘yung pinaniwalaan ko eh nu’ng panahon na ‘yun. Pero growing up, siyempre, nagtatanong din ako sa sarili ko na bakit namin hindi nailaban sa legal, kung totoong fully paid. Baka meron ding stories behind that,” ayon sa aktor.

Nakilala si BJ sa pagiging contestant niya sa That’s My Boy sa Eat Bulaga noong 2003. Kahit hindi siya nanalo, nabigyan siya ng maraming projects, kabilang na ang paggawa ng TV commercials at paglabas sa pelikula at mga teleserye.

Bonnie, nagising na sa coma

Nagising na mula sa medically induced coma ang Total Eclipse of the Heart singer na si Bonnie Tyler.

Ayon sa report ng Entertainment Tonight, the 75-year-old iconic singer was “seriously ill” noong i-admit ito sa intensive care in Faro, Portugal. 

“Her condition is improving, but it’s slow. Doctors are confident she’ll recover well, though it will take time,” ayon sa manager ni Tyler.

Lahat nang shows ni Tyler for August ay canceled or postponed to next year. Paplanuhin na lang daw nila ang tour nito kapag physically recovered na si Tyler.

Nilagay sa medically induced coma si Tyler noong May after an emergency intestinal surgery para mabilis siyang gumaling.

Nakilala si Bonnie Tyler dahil sa kanyang pagiging rock singer, songwriter and producer noong ‘70s and ‘80s. Biggest hit singles niya ang It’s a Heartache, Total Eclipse of the Heart, Holding Out For A Hero and If You Were A Woman (And I Was A Man).

BJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with