Alden, todo paghahanda bago mag-asawa!

Bukod sa kabi-kabilang proyekto sa show business ay abala rin si Alden Richards sa kanyang mga negosyo.
Para sa Kapuso actor ay kailangang paghandaang mabuti ang kanyang kinabukasan. “I think ito ‘yung tamang moment na to seize the moment and take every opportunity that presents itself. Kasi medyo nando’n na tayo sa securing the safety nets. Para eventually kapag may point na or there would come a point na kailangan ko na mag-settle down, ready na tayo,” makahulugang pahayag ni Alden sa 24 Oras.
Tatlumpu’t apat na taong gulang na ngayon ang tinaguriang Asia’s Multimedia Star. Ayon kay Alden ay marami pa siyang mga kailangang gawin sa kanyang personal na buhay bago paghandaan ang pag-aasawa. “Sa ngayon marami-rami pa tayong paghahandaan, but very much looking forward and grateful for all the things that’s happening. Nakakatuwa lang kasi nandito pa rin tayo and may mga tao pa ring naniniwala sa ‘tin and I’m just looking forward for all the things I could offer the audience and ang mga Kapuso natin,” pagbabahagi ng binata.
Samantala, simula June 26 ay mapapanood na sa pamamagitan ng Viu ang Love, Siargao na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Alden. Masayang-masaya ang binata sa magagandang feedback na natatanggap mula sa mga tagahangang nakapanood ng trailer ng naturang online series. “We’re just very happy with the feedback of all the netizens and ‘yung mga taong nakapanood ng trailer. Maraming salamat po, we’re very excited,” pagtatapos ng Asia’s Multimedia Star.
Sanya, dinala na ang karelasyon kay Jak
Suportado ni Jak Roberto ang buhay-pag-ibig ng nakababatang kapatid na si Sanya Lopez. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lamang umano naranasan ng aktor na mayroong ipinakilalang lalaki sa kanya si Sanya. “First time niyang magpakilala sa akin na parang, ‘Kuya, kaibigan ko,’ ganyan. Kaibigan, alam ko na. So sa pagiging kuya, parang as a parent din ‘yan eh. Guide ka lang kapag lumapit sa iyo,” nakangiting paglalahad ni Jak.
Kamakailan ay nag-post si Sanya sa Instagram ng mga larawan ng pagbili niya ng isang bagong sasakyan. “I’ve always believed that if you work hard, stay patient, have a good heart, and trust God’s timing, beautiful things will eventually find their way to you. A little early for my birthday, but here’s a gift to myself.’” caption ng aktres sa IG kanyang post. Proud si Jak para sa lahat ng tagumpay na tinatamasa ngayon ng kapatid. Magdiriwang ng kanyang ika-30 kaarawan si Sanya sa darating na Aug. 9. “I’m so proud of her, happy birthday to you. Congratulations on your new car and of course pinapag-pray ko ‘yung everyday income mo na maging stable para marami ka pang blessings na matanggap. Parang all this time na wala tayong tinitirahan, wala tayong sariling bahay. Ngayon finally, parehas tayong nag-improve, na-achieve natin ‘yung mga dreams natin,” mensahe ng aktor kay Sanya.
(Reports from JCC)
- Latest


























