^

PSN Showbiz

The Secrets of Hotel 88, ­ huling dalawang linggo na!

Pilipino Star Ngayon
The Secrets of Hotel 88, ­ huling dalawang linggo na!
Brent Manalo at Ralph De Leon.
STAR/ File

Nalalapit na ang pagtatapos ng The Secrets of Hotel 88, ang collaboration project ng GMA Network at ABS-CBN.

Simula nang ipalabas noong Pebrero, ang seryeng pinagbibidahan ng dating housemates ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition ay patuloy na kinakapitan ng mga manonood.

Matapos ang ilang buwang puno ng suspense, lumabas na ang katotohanan na si Sandro (Christian Vasquez) ang may kagagawan sa mga pagkamatay sa Hotel 88. Ngayon, ang magkakapatid na sina Gio (Brent Manalo), Martin (Ralph de Leon), at Kiko (Will Ashley) ay nagsama-sama para buuin ang mapa na magdadala sa kanila sa nakatagong yaman at sa mga sikreto ng hotel.

Pero si Sandro, kasama si Andy (Ryan Eigenmann), ay nakikipagkarera rin para matapos ang mapa bago ang Fernandez brothers. Habang nauubos ang oras, lalong tumitindi ang laban para sa yaman.

Sa huling dalawang linggo, asahan ang matitinding eksena, mga rebelasyong ikagugulat, at mga twist na magpapanatili ng kaba hanggang dulo. Maililigtas ba ng Fernandez brothers si Leon (River Joseph)? O may isa na namang buhay na mawawala matapos ang pagkamatay ni Monette (Klarisse de Guzman)?

Mapapanood ang The Secrets of Hotel 88, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Prime. May livestream din ang programa sa iWant. Available rin ito sa GTV, GMA Pinoy TV at Kapuso Stream.

ABS-CBN

GMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with