^

Pang Movies

Julia at Gerald, nagkita sa resto!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Julia at Gerald, nagkita sa resto!
Gerald at Julia

Ang comment ng fans na “sana” at “sana magkabalikan sila” nang makita ang larawan nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa isang event.

Tila isang salu-salo ang dinaluhan ng former couple dahil nasa restaurant sila.

Makikita sa mga litrato ang mga mesa at upuan at mapapansin din na masaya sina Julia at Gerald sa kanilang pagsasama. Pareho silang nakatawa at ang hula ng netizens, baka kinantyawan sila o tinukso na magkakabalikan sila.

Gustong malaman ng fans kung ano at saan ang okasyon na spotted ang mag-ex at sana raw, magkuwento sila.

In fairness, kahit hindi magkatabi, nakatayo si Gerald at nakaupo si Julia, makikita pa rin ang kanilang chemistry. 

Bimby, hinuhulaang magiging regular host na sa EB!

Si Jack Salvador na dating PA o personal assistant ni Kris Aquino ang sumasama kay Bimby Aquino sa Eat Bulaga at ibig sabihin, siya na rin ang PA ni Bimby ngayon.

Sa Instagram post ni Jack ng behind-the-scene  bago tawagin sa stage ng EB si Bimby, nagwa-warm up ito, patalun-talon at nakakatuwa na sumasayaw na rin siya kasama ng ibang co-host.

Sa backstage, pinapraktis ni Bimby kung paano isayaw ang Hawak Ko Ang Beat, kaya paglabas niya ng stage, nasa kondisyon na siya. Tinanong siya ni Jack kung ready na siya at ang sagot, “Reading-ready.”

Guest co-host ang status ni Bimby, pero malamang maging regular co-host ito dahil gusto siya ng tao. Pinagkakaguluhan  ng audience, nag-uunahang makalapit sa kanya para yakapin siya.

Pinost din ni Jak ang dressing room ni Bimby sa TV5 studio at nakasulat sa pintuan ang for EB guest only.

“Bimby” ang introduction at tawag sa kanya ng hosts ng EB, hindi nasusunod ang gusto sana ni Kris na “Bimb” dahil adult na raw ito.

Mas komportable naman ang karamihan na tawagin siyang Bimby.

Wala pang post si Kris tungkol sa pagho-host ni Bimb sa EB na inaabangan ng followers niya para malaman ang nararamdaman na nasa showbiz na ang anak.

John, nilabas ang punyeta!

Controversial ang title ng single ni John Arcilla na Ano Ba ‘Yan. P*nyeta at malinaw na maririnig ang salitang ito sa kanta. Nabanggit nito ang song ni JK Labajo na nagmumura at naalala ang linya sa movie niyang Heneral Luna na “p*nyeta” na sumikat at tumatak sa tao.

Sabi ni John, nag-suggest siya sa manager niya na gagawa siya ng song na ito nga ang title, nagustuhan ng kanyang manager, ipinakita nila kay Jonathan Manalo ng Star Music at nagustuhan nito. “Bawat linya may pinanggagalingan na istorya,” sabi ni John.

Ibinalita nitong sa June 24, 2026 na ang labas ng single at marami na ang nag-aabang. Nag-request si Rochelle Pangilinan na mag-collab sila ni John, pati si Christian Antolin, collab ang request.

GERALD ANDERSON

JULIA BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with