^

Bansa

‘White Ribbon’ rally vs korapsiyon kasado sa Hunyo 28

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Itinakda ng mga lider ng iba’t ibang relihiyosong organisasyon ang Hunyo 28 bilang “White Ribbon March”.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni San Juan City, Kidapawan Bishop Colin Bagaforo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Commission on Inter-religious Dialogue, na ang White Ribbon march ay pagpapatuloy ng Trillion Peso March upang iprotesta ang political dynasty at malawakang korapsiyon sa bansa.

Nasa 10,000 katao aniya ang inaasahan nilang dadalo sa naturang rally na idaraos sa makasaysa­yang EDSA People Power Monument sa Quezon City.

Dagdag pa niya, ang aktibidad ay “faith-based” at ang mga religious leaders ay nananawagan para dito matapos ang “communal discernment” ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation.

Layunin aniya nitong paalalahanan ang pamahalaan na karapat-dapat para sa mga Pinoy na magkaroon ng isang mas mahusay na kinabukasan, sa pamamagitan ng mas mahusay na politika.

“Politics that serve the people’s interest, protects human dignity, and is guided by justice rather than greed,” ayon pa kay Bagaforo.

Magsisimula aniya ang protest march sa tanghali at inaasahang pagsapit ng ala-1:30 ng hapon ay makakarating na ang mga kalahok sa EDSA People Power Monument.

Dagdag pa ni Bagaforo, ang lahat ay inaanyayahang lumahok sa naturang martsa kontra korapsiyon.

Gayunman, paglilinaw niya, ang aktibidad ay neutral at walang pinapanigang anumang kulay sa politika.

Hindi rin aniya nila papayagan ang sinumang politiko na umakyat ng entablado at magsalita.

CBCP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with