^

Probinsiya

Vapes na may marijuana ibinebenta sa iskul sa Baguio

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Vapes na may marijuana ibinebenta sa iskul sa Baguio
Napatunayan ito matapos suriin sa PDEA-­Cordillera laboratory ang dalawang vape device at isang lighter na boluntaryong isinuko ng isang paaralan.
STAR / File

BAGUIO CITY, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may mga vape na may halong liquid marijuana ang ibinebenta sa ilang paaralan sa Baguio City.

Napatunayan ito matapos suriin sa PDEA-­Cordillera laboratory ang dalawang vape device at isang lighter na boluntaryong isinuko ng isang paaralan.

Lumabas sa pagsusuri na positibo ang mga vape sa tetrahydrocannabinol (THC), ang pa­ngunahing sangkap ng cannabis na nagdudulot ng “high” sa gumagamit nito.

Sa isinagawang joint meeting ng City Peace and Order Council at City Anti-Drug Abuse Council, isiniwalat ng mga awtoridad na umaabot sa P2,500 ang bentahan ng isang marijuana vape cartridge.

Bukod dito, namonitor din umano ang ilegal na bentahan ng pinatuyong marijuana at kush sa hanay ng mga estudyante.

Ayon sa PDEA, natuklasan nila sa imbestigasyon na gumagamit ang ilang suspek ng online platforms at courier services upang makakuha ng marijuana vape cartridges at tuyong cannabis bago ito ipamahagi sa mga itinakdang drop-off points at meeting places.

PDEA

VAPES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with