ASF sa Nueva Vizcaya kontrolado na - DA
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines — Kinumpirma ng Department of Agriculture Region-2 na kontrolado na ang mga naitalang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigang ito.
Ayon sa DA-Cagayan Valley, bagama’t positibong may mga naitalang kaso ng ASF sa lalawigan ay agad din naman umano itong naagapan para hindi na kumalat sa iba pang lugar.
Unang inihayag ni Nueva Vizcaya Provincial Veterinarian Dr. Patricio Moreno na nakapagtala ang lalawigan ng mga kaso ng ASF mula mula buwan ng Pebrero hanggang Mayo 2026, sa mga bayan ng Kasibu, Bayombong, at Villaverde.
Ganun paman ay hindi umano kumalat sa iba pang lugar, hindi tulad noong taong 2022-2023 na mabilis ang paglaganap ng ASF sa kabila ng mga interbensyon at isinagawang prevention ng mga opisyal ng DA.
Samantala, naglaan ang Department of Agriculture ng tig-P10 milyong pondo para sa mga apektadong bayan sa ilalim ng Swine Repopulation Project upang makatulong sa muling pagpapalakas ng industriya ng pag-aalaga ng baboy sa lalawigan.
- Latest




















