^

Probinsiya

P3.4 milyong shabu samsam sa Cavite, 2 huli

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines –  Arestado ang dalawang drug personalities at bigtime drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa bayan ng Naic, dito sa lalawigan, kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Larry”, 57-anyos at alyas “Elwood”, 27-anyos; kapwa residente ng Brgy. Halang, Naic, Cavite.

Base sa ulat, alas-6:18 ng gabi nang ilatag ng PDEA-Cavite Provincial Office at Cavite Maritime Police ang isang buy-bust laban sa mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang isang transparent plastic bag na may lamang 100 gramo ng shabu at 4-transparent plastic bag na may 400 gramo ng shabu.

Sa kabuuan, umabot sa 500 gramo ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek na nasa halagang P3,400,000 at narekober din ang isang cellpone na kanilang gamit sa ilegal na transaksyon.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with