Coco at Korina, unang eere sa balikan ng ABS at TV5

Wala nang makakapigil sa pagbabalik ni Coco Martin sa Kapatid Network sa pagpasok ng Coco Martin’s Sigabo ngayong June 22, 8:00 p.m.
At ‘di rin naman magpapatalo ang batikang broadcaster na si Korina Sanchez-Roxas, dahil simula June 29, weekdays ng 11:00 a.m., mapapanood na rin ang Face to Face with Ate Koring sa iba’t-ibang platforms ng ABS-CBN.
Mas maraming Pilipino ang makakapanood ng makabuluhan at entertaining na mga palabas ang rason kung bakit muling nagsanib-puwersa ang TV5 at ABS-CBN.
Ayon kay TV5 President and Chief Executive Officer Guido R. Zaballero, ang pinakamahalaga ay ang mas mapagsilbihan ang mga Pilipino.
“This initiative provides Filipinos, both Kapatid and Kapamilya, with more platforms to enjoy quality stories and experiences,” sabi ni Guido.
Sa patuloy na pagbabago ng media industry sa Pilipinas, nananatiling magkasangga ang dalawang organisasyon sa pinakamahalagang layunin: ang pagpapatibay ng makabuluhang koneksyon sa mga manonood, sa pamamagitan ng mga kuwentong nagbibigay-impormasyon, nagbibigay-aliw at nag-uugnay sa mga Pilipino.
Samantala, sa inilabas na trailer, ipinasilip ang mala-pelikulang kalidad na produksyon na may makapigil-hiningang aksyon, at ilan sa mga kakikiligang eksena ni Coco kasama ang Prime Actress na si Julia Montes.
Ito ang kauna-unahang orihinal na konsepto ni Coco kung saan tampok ang kanyang tatak-Coco Martin na aksyon na may halo ring siksik sa kilig at katatawanan na siguradong tatatak at aantig sa mga manonood gabi-gabi.
“Sobra akong proud na proud sa project na ito, kasi from Probinsyano to Batang Quiapo talagang in-upgrade namin,” pahayag ni Coco sa TV Patrol tungkol sa serye kung saan siya ang pangunahing bida, direktor at producer kasama si Julia.
Ibang klaseng timpla ang handog ni Coco sa serye bilang si Gabo, isang mapagmahal na anak at dating preso na sasabak sa isang malupit na misyon kapalit ng kanyang kalayaan, kung saan makikilala niya si Sam (Julia), isang abogado at investigative agent.
Aside from TV5, mapapanood ang Coco Martin’s Sigabo 8 p.m. sa TV5, mapapanood ito ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube, Facebook at iWant.
- Latest



















