Bong Go walang ICC warrant of arrest - NBI
MANILA, Philippines — “Wala pa po. Wala po kaming nare-receive pa. Walang communication ng warrant. Hindi ko po alam kung saan nanggaling si Congressman Pulong Duterte kung anong warrant po sinasabi niya”.
Ito ang sinabi kahapon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na wala silang natatanggap na warrant of arrest kay Senador Christopher “Bong” Go at dalawang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) batay sa naging pahayag ni Davao City Congressman Paolo “Pulong” Duterte na meron siyang nakuhang impormasyon mula sa isang “highly reliable source” na may inisyu nang warrants of arrest laban sa tatlo.
Inihayag din ni Matibag na may mas maasahan nang leads ang kanilang tinatrabaho para madakip si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, bagama’t inamin niya na medyo mahirap ang operasyon sa pagdakip dahil sa pagiging dating PNP chief na may malawak na network.
Aniya, matutunton din si Dela Rosa sa paniniwalang hindi ito lumabas ng bansa dahil mas mabilis siyang madarakip kung lalabas ng Pilipinas dahil ICC ang nag-isyu ng warrant of arrest.
- Latest




















