Martin at Pops, naiba na ang closeness!

Kakaiba ang closeness at pagiging magkaibigan ngayon ng dating celebrity couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez matapos ang kanilang bad separation 26 years ago.
Unknown to many, matagal-tagal ding tumigil si Pops sa concert scene dahil nawalan ito ng boses at inakala niya na hindi na babalik ang kanyang boses. During this time ay dito niya naisipang mag-produce ng smaller concerts featuring other artists using her mom’s DSL Productions.
Although nagsimula si Pops sa pagpu-produce ng small concerts, unti-unti na siyang nag-switch sa major concerts na halos lahat ay sold-out. Natutunan niya ang nitty-gritty ng isang concert producer.
While she was enjoying bilang concert producer ay unti-unti namang bumabalik ang kanyang boses kaya nagsimula na rin siyang tumanggap ng shows hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Sa darating na June 28 ay 40th wedding anniversary sana nina Martin and Pops kung hindi sila nagkahiwalay 10 years after their marriage which was finally annulled nung 2000.
Since 2000 ay pareho nang single sina Martin and Pops pero doon sa 26 years nilang paghihiwalay ay marami silang learnings and discoveries at dito unti-unti ring naibalik ang pagiging magkaibigan ng dating mag-asawa dahil na rin sa kanilang dalawang anak (both grown up now) na sina Robin at Ram at sa nature ng kanilang trabaho.
Pops being a forgiving person ay tuluyang pinatawad ang dating mister at tinanggap si Santino (anak ni Martin kay Katrina Ojeda na naging sanhi ng kanilang paghihiwalay) sa buhay nila ng kanyang dalawang anak na sina Robin at Ram being their brother.
Unti-unting nawala ang baggage na matagal nang bitbit ni Pops sa kanyang puso. Bukod kay Santino ay tinanggap din ni Pops si Katrina maging ang present longtime partner ni Martin na si Anj del Rosario na kinu-consider niyang mga kaibigan na rin.
Meron na rin silang isang apo ngayon na si Finn (kay Robin) which they both adore.
Watch our no holds barred exclusive interview sa dating couple na sina Martin at Pops sa aming vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.
- Latest























