^

Probinsiya

Mag-asawa na ‘asset’ ng militar nilikida

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang mag-asawa na pinaghihinalaang asset ng militar makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Negros Oriental Police, kinilala ang mga biktima na sina Efren, 32-anyos at misis nitong si Jean, 27 taong gulang.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot sa bakuran ng mag-asawa ang mga armadong rebelde na puwersahang pinasok ang kanilang tahanan saka pinagbabaril ang target may 3 araw na ang nakalilipas.

Bago tuluyang lumisan ay sumigaw pa umano ang mga suspect ng “mabuhay ang armadong pakikibaka” kung saan sa matinding takot ay nagsipagsara ng kanilang mga bintana at pintuan ang mga kapitbahay ng mag-asawa.

Bago ang pamamaril ay ilang mga kahina-hina­lang kalalakihan ang nakitang umaaligid sa lugar.

Samantala, sa isang kalatas ay inamin ng NPA na sila ang responsable sa pamamaslang sa mag-asawang biktima na umano’y nagti-tip sa militar ng kanilang mga kilos sa nasabing barangay.

Magugunita na ilang military assets na rin ang pinaslang ng mga rebeldeng NPA sa Negros Island kabilang si Baptist Pastor Marlo Galan na binistay ng bala sa tubuhan noong nakalipas na Hunyo 8 sa Binalbagan, Negros Occidental.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with