^

Police Metro

Pagkalunod ng 2 Ateneo athlete, ‘di aksidente - CIDG

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Natio­nal Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP–CIDG) na batay sa kanilang imbestigasyon na sila ay naniniwala na hindi simpleng aksidente ang pagkamatay ng mga student-athlete na sina Rene Baterbonia at Divine Adili habang nag-eensayo sa isang resort sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Morico II, lumalabas sa kanilang paunang pagsisiyasat na batid ng mga atleta at ng coaching staff na malalakas ang alon ng dagat sa resort nang isagawa ang kanilang walking at statio­nary jogging exercise.

Ang insidente ay hindi aktuwal na nangyari sa harap ng resort. Ito ay may layong 300 hanggang 700 metro at ang pagsagip sa kanila ay nasa 300 metro malapit sa resort dahil sila ay tinangay ng malakas na alon.

Ibinahagi rin ni ­Morico na bukod kina Baterbonia at Adili, apat na iba pang manlalaro ang muntik nang malunod sa parehong pagkakataon ngunit masuwerteng nasagip.

“Right now? No, it’s not,” saad niya nang tanungin sa isang press briefing kung maituturing pa bang aksidente ang nangyari.

Sina Baterbonia at Adili ay nalunod matapos tangayin ng malakas na alon gayun ang dapat na training exercise ay sa dalampasigan lang ng resort.

Nabatid na pinalalakad sila at pinagja-jogging upang lumakas ang kanilang mga paa habang nasa dagat.

Binanggit din ni ­Morico sa panayam ni Pia Hontiveros kina dating Ateneo players Kieffer Alas at Sam Reyes na muntik na rin silang malunod sa nasabing lugar dahil sa ganun klaseng pagsasanay sa dagat.

RENE BATERBONIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with