DOJ naglabas ng ‘lookout order’ vs Baldwin, Quimpo, 3 pa
MANILA, Philippines — Isang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ang inilabas ng Department of Justice (DOJ) laban kina dating Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin, dating team manager Epok Quimpo, at assistant coaches Reynaldo Jacinto Jr., Dean Castaño at Sandro Soriano.
Kaugnay ito sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkasawi nina student athlete Rene Baterbonia at Divine Adili matapos malunod sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, ang ILBO ay isang monitoring mechanism lamang upang maalerto ang mga otoridad sakaling tangkain ng mga naturang indibidwal na umalis ng bansa at hindi ito naglilimita sa kanilang karapatang bumiyahe.
Samantala, nakatakdang humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Biyernes, Hunyo 19, si Baldwin matapos na hindi lumutang noong Martes.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag na si Baldwin ay isa sa 20 indibidwal na pinadalhan ng subpoena ng NBI-Homicide para magbigay-linaw sa insidente ng pagkalunod na ikinasawi nina Baterbonia at Adili.
- Latest
























