^

Police Metro

P10.74 bilyong CAIIS project magpapalakas sa border security -- BI

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang ganap na integra­ted at pambansang sistema ng seguridad sa hangganan na higit pa sa NAIA ang kailangan ng Pilipinas.

Isang sistemang gumagamit ng artificial intelligence, biometrics, at real-time data sorting upang hulihin ang mga human trafficker, terorista at iba pang kriminal bago pa man sila makatawid sa mga pintuan ng bansa.

Ayon sa Bureau of Immigration, ang iminungkahing­ Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) project ay eksaktong nag-aalok nang hindi gumagastos ang gobyerno kahit isang piso.

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na plano ang nag-udyok para sa P10.74 bilyong unsoli­cited proposal para sa isang Public-Private Partnership (PPP) pro­ject na kasalukuyang nasa ilalim ng interagency review.

“Ang kagandahan po nitong proyektong ito ay end-to-end. So mula frontline, data processing, data collection, data assessment, pino-provide po nitong entire system na ito at  hindi po ito centralized lang in NAIA”, wika ni Sandoval.

Ang pambansang proyekto ay maaabot ang   lahat ng 11 international airports isang international seaport sa Zamboanga, at 6 na border crossing station.

Idiin pa ni Sandoval na ang CAISS project ay magbibigay sa mga otoridad ng isang makapangyarihang bagong kasangkapan upang masuri ang mga pasahero ng matalino.

Nilinaw naman ni Sandoval na wala pang kontratang napipirmahan at walang koleksiyong ginagawa.

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with