Ateneo OCA walang alam sa team building sa Aurora
MANILA, Philippines — Nilinaw ng pamunuan ng Ateneo de Manila University Office of College Athletics (OCA) na hindi nito alam ang team building ng Ateneo Blue Eagles sa Dipaculao, Aurora.
Namatay sa naturang team building ang dalawang players ng Ateneo na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
“What was the role of the university athletics in approving the team-building? The answer is none. The University Athletics had no hand in approving the team-building activity,” ani OCA coordinator and representative Benjo Afuang.
Sinabi pa ni Afuang na walang ideya ang Ateneo OCA sa team building. Hindi rin humingi ng pahintulot ang sinuman para sa team building sa Aurora.
“It was asked if the university athletics knew about it, if it was brought to them, and if they (sought) approval. The answer is no,” ani Afuang.
Iba ang Ateneo OCA sa University Athletics Office ng unibersidad.
Ang OCA ang tumutulong sa student-athletes ng unibersidad kabilang na ang ilang mga kailangang papeles sa tuwing lumalaban ito.
Ang OCA rin ang nagmomonitor sa academics ng mga student-athletes.
Sa kabilang banda, ang UAO naman ang humahawak sa programa ng mga varsity teams kasama na ang paghahanap sa sponsorships para sa mga student-athletes.
Nanindigan naman ang pamunuan ng Ateneo na tutulungan nito ang pamilya nina Baterbonia at Adili sa lahat ng aspeto.
- Latest




















