Ex-Ateneo players humarap sa CIDG, NBI
MANILA, Philippines — Humarap kahapon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at sa National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang dating basketball players ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Kabilang sa mga nagtungo sa CIDG sa Camp Crame, Quezon City ay sina dating Blue Eagles players Anton Asistio, Mike Nieto, at Tyler Tio habang sa NBI naman si EJ Kahipe.
Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Rodriguez Morico II, hindi sila itinuturing na persons of interest kundi mga posibleng makapagbibigay ng mahalagang impormasyon kaugnay ng mga nakaraang team-building activities ng koponan.
Ang pagharap ng mga dating manlalaro ay kasunod ng muling pagkalat sa social media ng ilang podcast kung saan ibinahagi nila ang kanilang karanasan sa umano’y mahihirap at pisikal na hamon na bahagi ng mga team-building activities noong mga nakaraang taon.
Ayon kay Morico,may mga pahayag na lumitaw sa isinagawang social media monitoring ng CIDG na naglalarawan sa naturang mga aktibidad bilang higit pa sa karaniwang team building at maituturing umanong isang “boot camp”.
- Latest


















