^

Police Metro

German president bisita ni Marcos sa Malacañang

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Personal na sinalubong kahapon ni Pangulong Marcos Jr.; First Lady Liza Marcos at mga miyembro ng Gabinete si German President Frank Walter Steinmeier na dumating sa bansa para sa dalawang araw na state visit.

Sinabi ni Steinmeier sa kanilang bilateral meeting­, na long overdue na ang pagbisita dahil ang huling­ pagbisita pa nito sa Pilipinas ay noong 1963 pa, subalit maganda naman aniya ang ugnayan ng dalawang bansa na parehong tumitindig sa panig ng rules base international order, ipinaglalaban ng United Nations at international law.

Pagkatapos ng bilateral meeting sa kanilang joint press conference, kapwa nila ipinahayag ang pagkagalak sa nakatakdang peace agreement sa pagitan ng Amerika at Iran, subalit hindi dapat lang aniya ito pagpirma kundi humantong sa aktwal na pagtigil ng labanan at humantong sa muling pagbubukas ng strait of Hormuz para sa malayang paglalayag.

Maganda rin ang umano people exchange ng dalawang bansa kung saan mayroong dalawang 45,000 na Pinoy ang nasa Germany para magtrabaho at manirahan na doon na karamihan sa kanila ay health care workers.

Isang magandang migration aniya ang Germany dahil maganda ang buhay doon hindi tulad sa ibang bansa.

Habang sa larangan naman ng kalakaran ang Germany ang pinakamalaking trade partners ng Pilipinas sa European Union na nagkakahalaga ng 5.5 bilyon US dollars at marami rin German company sa Pilipinas.

Para naman makahikayat ng mas marami pang pamumuhunan, siniguro ni Pangulong Marcos ang paglaban sa korapsyon na isa sa pinakaseryosong paksa na tinututukan ng administrasyon.

FRANK WALTER STEINMEIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with