Ellen, inaming naka-live-in ang mga nakarelasyon!

Tama pala ang chika ni Melai Cantiveros na life-changing ang guesting ni Ellen Adarna sa kanyang digital talk show na Kuan On One.
Inilahad ni Ellen sa kanyang programa na hindi na siya naniniwala sa love at ramdam niyang mas ok siyang mag-isa. “I realized na I’m better off alone,” sabi ni Ellen na legally ay misis pa ni Derek Ramsay.
Kasabay nito ay inamin din niyang naka-live-in niya lahat nang nakarelasyon na aniya ay turo ng kanyang ama.
At ang kinumpirma niya, hindi raw siya nakikipagbalikan sa mga nakarelasyon niya.
Or baka naman magbago ang isip ni Ellen ‘pag may dumating na bagong magpapatibok ng kanyang puso.
Sa kasalukuyan ay abala siya sa kanyang social media career.
In all fairness, patuloy na lumalawak ang naaabot ng Kuan On One dahil sa mga pasabog na interview ni Melai.
- Latest























