^

PSN Showbiz

Dingdong at Coco, umpisa na ang salpukan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dingdong at Coco, umpisa na ang salpukan!
Coco Martin

Simula sa Lunes, June 22, ay matinding challenge ang haharapin ng The Master Cutter dahil ito na ang pilot episode ng Sigabo nina Coco Martin at Julia Montes.

Ang action-drama series ni Dingdong Dantes ang nangunguna ngayon sa primetime show ng GMA 7.

Consistent na mataas ang rating nito na kung saan ang nakakatapat ay ang Blood vs Duty ng Kapamilya at ng A Secret in Prague ng TV5.

Maganda ang visuals ng Master Cutter, at mas naging kuwela ang kuwento dahil sa support ng batang si Sienna Stevens, ganundin sina Jo Berry, Shuvee Etrata at si Ketchup Eusebio.

Gumaganda na rin ang kuwento ng Blood vs Duty, pero hindi na ito umaangat-angat ang ratings.

Nakakapagtaka pa na hindi na siya sumasampa sa top 10 trending ng Netflix. Mabuti pa nga ang Master Cutter at A Secret in Prague na laging nasa top 10.

Pero sa pagpasok ng Sigabo, inaasahan ang pagbago ng programming dahil mangunguna na itong teleserye ni Coco Martin.

Kung madadagdag pa ang TV5 sa magpapa-ere ng Sigabo, marami na itong istasyon. Meron pang AllTV, A2Z at Kapamilya channel.

Tiyak na palalakasin pa nila ngayon ang online streaming dahil talaga namang malakas ang YouTube ng ABS-CBN.

Kung aggregated ratings na ang labanan, puwede nang talunin ng Sigabo ang Master Cutter dahil sa GMA 7 at GTV lang ito umeere.

Pero kung single channel ang labanan, kaya pa itong talunin ng Master Cutter.

Kaya todo sa pagpo-promote ngayon sina Coco at Julia na kung saan, umaabot pa slla hanggang Cebu sa pag-iikot para mapalapit sa mga tao.

Pero hindi  lang itong teleserye ang magla­laban. Nagpapakitang-gilas pa rin at hindi pa nababawasan ang lakas ng PBA.

Nasa Finals na ang PBA kaya ang taas din ng ratings nito sa RPTV.

Nung nakaraang Linggo ay lumaban nang pukpukan ang PBA Finals na kung saan matindi ang labanan ng TNT at Ginebra. Naka-4.8 percent ito, at ang Bubble Gang ay 4.4 percent at ang The Clash Teens ay 5.8 percent.

Alma, nakita si Dolphy kay Vandolph!

Iba ang feeling ng mga sumubaybay sa sitcom na Home Along Da Riles sa pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion.

Maluha-luha si Alma Moreno nang mapanood niya ang naturang pelikula sa premiere night nito na ginanap sa SM Megamall.

Sa bandang ending daw ay napaluha siya sa eksena ni Vandolph. Parang si Dolphy na raw ang tingin niya sa kanyang anak.

Isa si Vandolph sa producers ng naturang pelikula kasama si Boy 2 Quizon na nagdirek nito. “Sobra! As nanay sobrang proud ako sa kanya. Kasi ‘yung nakita ko papaano ‘yung... Nakikita ko rin si Dolphy sa kanya! Kay Van, na mapagmahal. Saka ‘yung sa trabaho, papaano magpatawa.

“Nakita mo naman siguro ‘yung seryoso, biglang siya ‘yung babanat ng ano,” sabi pa ni Alma.

Pati ang isa pa niyang anak na si Mark Anthony Fernandez ay may special participation din.

Kaya sobrang tuwa ni Alma pagkatapos niyang mapanood ang pelikula.

Dumalo rin si Eric Quizon sa premiere night kasama ang mommy niyang si Pamela Ponti na kailan lang ay nagdiriwang ng kanyang 80th birthday.

Sabi pa ni Alma, “Ito ‘yung makikita mong may love, ‘yung isang pamilya na nagmamahalan, anong hirap man pero intact pa rin sila.

“Kaya dito ngayon ‘yung may matututunan ka na kahit wala na ‘yung mga magulang mo, pero kunyari... parang wala na ‘yung nanay ko, tatay ko...

“Pero ‘yun pala mararamdaman mo, alam mo na andiyan pa rin sila.”

Siyanga pala. Kaya pala ayaw sabihin ni Epy Quizon ang partisipasyon niya sa pelikula, dahil siya pala ang gumanap na Dolphy na ginawa nilang AI o artificial intelligence.

Ginawa rin ito ni Epy sa anniversary concert ni Zsa Zsa Padilla.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with