Marcos at Putin may bilateral meeting
MANILA, Philippines — Magkakaroon ng bilateral meeeting si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin sa sidelines ng ASEAN Russia Commemorative Summit na gaganapin sa Kaza, Russia sa Hunyo 17 at 18.
Sa press briefing sa Malacañang,sinabi ni ASEAN 2026 Philippines spokesperson at Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Dominic Xavier Imperial, na gagawin ang bilateral meeting kasabay ng 50th anniversary ng diplomatic relations ng Pilipinas at Russia ngayong taon.
Sinabi ni Imperial,na pag-uusapan ng dalawang lider ang usapin sa regional at international developments tulad ng epekto ng global food at energy supplies.
Ito ang unang pagkakataon na bibisita si Pangulong Marcos sa Russia bilang presidente.
Ayon pa kay Imperial, tatalakayin sa ASEAN- Russia summit ang energy and food security, science and technology, trade and investment, tourism, education, cultural exchanges, at people-to-people relations.
Dadalo rin ang lahat ng lider ng ASEAN maliban na lamang sa bansang Myanmar na kung saan magsisilbing kinatawan ang kanilang permanent secretary.
- Latest
















