^

Punto Mo

Non-compete clause at ang multang kaakibat nito

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May employment contract po ako na may dalawang taong non-compete clause na nagbabawal sa aking magtrabaho para sa mga kakumpitensyang negosyo ng employer ko ngayon at may multang P500,000 kapag nilabag ko raw po ito. Nakalagay po sa kontrata na hindi po ako puwedeng lumipat sa lahat ng kalaban na negosyo, pero sinabi naman ng HR na ang target lang naman talaga ng non-compete clause ay ‘yung pinakamalaking kalaban ng kompanya. Tanong ko lang po kung alin ang masusunod, ang nakasulat na kontrata o ang paliwanag sa akin ng HR? Maari rin po kaya akong pagbayarin ng multang P500,000? At saka tama po ba ang dalawang taong non-compete clause sa Pilipinas? — Glenda

Dear Glenda,

Sa una mong tanong, ang masusunod ay ang nakasulat na kontrata at hindi ang paliwanag sa iyo ng HR. Sa ilalim ng tinatawag na parol evidence rule, kapag inilagay na ng mga partido ang kanilang kasunduan sa isang nakasulat na dokumento, ang nakasulat na ito ang itinuturing na siyang buong kasunduan, at karaniwan ay hindi na ito maaaring mabago, mapalitan, o madagdagan ng mga verbal o pasalitang paliwanag ukol sa mga nilalaman nito. Kaya kung ang depinisyon ng kakumpitensya sa kontrata ay malawak, ang malawak na pakahulugang iyon ang masusunod at hindi ang paliwanag ng HR, maliban na lamang kung mapapatunayang may pagkakamali sa pagkakasulat o may ibang dahilan sa ilalim ng batas upang baguhin o mabigyan ng ibang kahulugan ang nakasulat sa kontrata.

Sa iyong tanong tungkol sa multang P500,000, maari kang papanagutin para sa nasabing halaga kung nilabag mo nga ang non-compete clause bilang parte ng kontratang pinirmahan mo, bagama’t maaring bawasan ng korte ang halagang ito kung sa tingin nito ay hindi rasonable o walang basehan ang halaga ng multa. Sa ilalim ng Article 1229 ng Civil Code, may kapangyarihan ang korte na bawasan ang isang multa kung ito ay itinuturing na labis o lalo na kung ang halaga ng multa ay hindi makatuwiran kumpara sa aktwal na pinsalang naidulot ng naging paglabag sa kontrata. Kaya kahit lumabag ka sa non-compete clause, maaaring pagpasyahan ng korte na ibaba ang multa sa halagang mas patas at makatwiran.

Sa iyong huling tanong, paulit-ulit nang ginamit ng Korte Suprema ang tinatawag na reasonableness test upang masuri kung valid o may bisa ang non-compete clause. Tinitingnan dito kung makatwiran ba ang non-compete clause pagdating sa haba ng panahon, sa saklaw na lugar, at sa uri ng trabahong ipinagbabawal. Ang dalawang taong non-compete clause ay maaaring ituring na makatwiran kung tiyak naman ang mga ipinagbabawal na saklaw nito.

FINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with