^

Pang Movies

Anthony, sinagot ang tungkol sa tuli!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Anthony, sinagot ang tungkol sa tuli!
Anthony Jennings

Nakakatuwa ang feedback sa pahayag ni Anthony Jennings sa interview niya sa YouTube vlog na Think Talk  at patungkol sa isyung “halfies.” Ang sabi nito, “Dito na ako lumaki. Feeling ko naman buong-buong Pilipino ako, kasi (nat*li) ako.”

Kabilang sa reaksyon, “Patingin ng proof,” “Hindi kami naniniwala,” “Patingin ng toooole!!!!”.

May paniniwala kasi na hindi nagpapa-t*li” ang mga banyaga, kaya ganoon ang sinabi ni Anthony. May mga komontra sa kanya dahil sa Amerika raw, baby pa lang, tinut*li” na ang mga bata. Kaso, British si Anthony at hindi raw kultura ng mga Briton ang magpat*li.

May nagtanong naman kung bakit kinailangang i-censor ang t*li dahil hindi bastos ang salitang ito.

In fact, sa mga news report, binabanggit ang mga salitang ito ng mga reporter.

Tanong lang ng mga netizens, sino raw ba ang pinapatungkulan o sine-shade ni Anthony sa pahayag niyang ito? Sana raw nagbanggit siya ng pangalan para mas masaya.

Kapuso anchor natakot sa galit ng BTS fans?!

Pinost ni Mariz Umali ang concert ng BTS na pinanood nila ng asawang si Raffy Tima sa Korea. Ang gaganda ng post ni Mariz, kaya lang, limited ang puwedeng mag-comment  at nang i-check nga namin ang IG nito, walang comment sa mga post niya na nakakapagtaka dahil siguradong susugod ang ARMY (tawag sa fandom ng BTS) para mag-comment.

May kinalaman ba ang ginawa ni Mariz sa pang-aaway sa kanya ng ilang BTS fans? Nag-react ang ilang ARMY nang malamang in-avail ni Mariz ang tulong ng Ticket Purchasing Assistance (TPA) para makakuha ng ticket sa concert ng BTS.

Busy kasi si Mariz para bumili ng tiket kaya nagpatulong sa TPA at ONETIC para sila na ang bumili ng tiket para sa kanila ni Raffy. Ikinagalit ito ng ilang BTS fans at feeling nila, ginamit niya ang kanyang influence to secure tickets na hindi na kailangang pumila.

Kahit ipinaliwanag na ng mga dumepensa kay Mariz na walang mali sa ginawa niya at hindi lang naman siya ang lumapit sa TPA, na bash pa rin siya. Sabi tuloy ng isang dumepensa sa Kapuso news anchor, inggit ang rason nang ikinagalit ng ilang BTS fans. Wala kasi silang pambili ng tiket, kaya ibinaling sa mga may kakayahang bumili ng tiket ang kanilang galit at frustration.

Isa pa, sa South Korea nanood sina Mariz at Raffy, wala siyang inagawan na tiket na Pinoy fans ng BTS.

Ibig sabihin, pati ang paglipad ng mag-asawa sa South Korea mali rin?

Maalalang na bash din sina Vice Ganda at AC Bonifacio dahil lang sa tiket  ng BTS concert. Inakusahan nila si Vice na nag-hoard ng tiket, bagay na sinagot na nito at malamang, sa TPA rin nagpatulong ang dalawa para maunang maka-secure ng tiket sa concert.

Rabiya, nalandian kay Jake

Nagpakilig na naman sina Rabiya Mateo at Jake Cuenca sa Instagram ng una. Nag-post si Rabiya ng photos niya na medyo sexy dahil kita ang tiyan at naka-chest out at na-emphasize ang boobs.

Comment ni Jake, “I was busy admiring the scenery here in the UK... until you posted this. Now it’s hard to focus.” Sagot ni Rabiya sa boyfriend, “@juancarloscuenca Lande mo.”

Nag-agree ang nakabasa sa comment ni Jake na gorgeous naman talaga si Rabiya kaya tama lang na ma-distract si Jake. May nagkorek pa nga sa sagot ni Rabiya kay Jake, mas maganda raw kung ang sinabi niya ay “Awww you’re sweet, and hope you enjoy the view.”

ANTHONY JENNINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with