^

Bansa

Pinsala ng M7.8 lindol nasa P1 billion na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Umaabot na sa P1 bilyon ang naitalang pinsala sa pagtama ng magnitude 7.8 lindol sa Mindanao.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nanatili pa rin sa 61 ang death toll, 1,403 ang sugatan at 40 pa ang nawawala. Ang lindol ay nakaapekto sa 173,000 pamilya o 724,000 katao habang nasa mahigit 2,000 pamilya ang nasa 34 evacuation centers.

Kabilang sa mga nasawi ay 54 sa Region 12 (SOCCSKARGEN) at pito sa Davao (Region 11).

Nasa 725 imprastraktura at mga pasilidad ng gobyerno na aabot sa P1 bilyon ang napinsala na inaasahang tataas pa habang patuloy ang pagdating ng update sa report mula sa mga naapektuhang lugar.

Nasa 9,900 kabahayan ang tuluyang nawasak at 44,100 nagtamo ng pinsala. Nasa 13 munisipalidad at mga lungsod ang nasa state of calamity.

Kaugnay nito, sinabi ni Philippine Army Spokesman Col. Louie Dema-ala na ang mga respon­ders ay nakapamahagi na ng pagkain, malinis na maiinom na tubig at mga medical supplies sa mga Barangay na na-isolate sa pagtama ng lindol at malalakas na aftershocks.

SOCCSKARGEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with