Charo, pinatawad na si Vince

Ibinahagi ng Kapuso actor na si Vince Maristela sa social media ang mga larawan nila ng Kapamilya executive at beteranang aktres-host na si Charo Santos-Concio sa MEGA Ball 2026.
Ito ay kasunod ng nakakatawang insidente kung saan napagkamalan niya si ABS-CBN executive Cory Vidanes bilang si Charo.
Nangyari ang nakaaaliw na tagpong ito sa isang episode ng It’s Showtime sa segment na Laro, Laro, Pick, na tampok ang cast ng seryeng The Secrets of Hotel 88, kabilang si Vince.
Umani ng atensyon online ang viral na eksena at nakarating mismo kay Charo Santos-Concio. Sa pabirong paraan, inanyayahan ng batikang aktres si Vince na dumalaw sa kanyang opisina upang pormal silang magkakilala.
“Hi Vince, please go to my office,” sey ni Charo.
Sa kanyang latest post, ibinandera ni Vince Maristela ang larawan ng kanyang pagkikita sa beteranang aktres-host sa MEGA Ball 2026.
Pabirong nilakip niya sa caption na maayos na ang lahat sa pagitan nila matapos ang nakaaaliw na insidente kamakailan. “Good morning bati na po kami hehe,” caption ni Vince.
Nagpaabot din siya ng paghanga at pagbati kay Charo, na tinukoy niyang isang tunay na haligi ng industriya ng media at entertainment sa bansa.
“Congratulations, Ma’am @charosantos. Thank you for inspiring many generations of artists. A legend. An icon.”
Kasalukuyang napapanood si Vince sa Viu PH via Rak Rak-Sense of Love, a Korean reality dating show filmed in Thailand.
- Latest






















