^

Pang Movies

Vice, inaming ipapahinga muna ang TNT!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice, inaming ipapahinga muna ang TNT!
Jhong, Vice at Vhong
STAR / File

Inanunsyo ni Vice Ganda na magpapahinga muna pansamantala ang Tawag ng Tanghalan (TnT) singing competition sa It’s Showtime.

Ito ay matapos makatanggap ng katakut-takot na kritisismo ang nasabing segment na nagkaroon ng ‘Huling Tapatan’ last Saturday kung saan itinanghal na kampeon si Yannie Paul Basical.

Halos nagkakaisa ang netizens sa pagsasabing boring na raw at may umay factor na ang TnT. Sey pa nila, wala na raw ang dating saya nito at marami ang nag-suggest na ipahinga muna ang naturang segment.

Kaagad namang nabasa ni Vice Ganda ang reaksyon and comments ng netizens sa X at pinakinggan naman niya ang mga ito.

Sa kanyang X account ay ipinahayag ng TV host/comedian na na-appre­ciate naman niya ang constructive criticisms ng fans.

“I read ur comments during breaks and gets ko mga hanash nyo. Still thank you for always supporting Tawag ng Tanghalan. I appreciate the constructive criticisms,” pahayag ni Vice.

“For now ipapahinga muna natin panandalian ang TnT para mas makapaghanda pa ang mga sasali,” ang kanyang anunsyo.

Nagpasalamat naman ang netizens kay Vice sa pakikinig sa kanilang mga opinyon.

“Salamat sa pakikinig sa hinaing at suggestions ng mga solid showti­mers meme. Sana ibalik nyo rin ang PoGay or That’s my Tomboy or yung mga masasayang segment nyo before. Nakailang balik na ang Miss Q&A pero yung ibang pumatok din namang segment di pa naulit,” sey ng isang avid viewer ng noontime show.

Claudine, ‘di pinapabayaan ni Gretchen

Para kay Claudine Barretto, Queen pa rin ang kanyang ateng si Gretchen Barretto.

Sa guesting ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda ay kinumusta ni King of Talk sa kanya si La Greta at sagot niya, “She is still, of course, the queen. I don’t know how she does it, but she does it really well. That’s what queens are for, right?”

Itinanong din ni Kuya Boy kung kailan sila huling nagkausap ni Gretchen.

“So, tumawag ‘yung butler niya, si Lady J, kamusta ka daw sabi ng ate mo. Sabi ko, ‘with Boy ako mamaya.’ ‘Give him my love, ganyan, ganyan.’ Sobrang mabilis. Alam mo naman, kapag ikaw, Boy, kapag si Gretchen, mahal na mahal ka,” kuwento ni Claudine.

Tsika pa niya, sobrang ganda raw ng kanyang ate Gretchen ngayon.

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with