AFP, PNP walang simpatya sa 18 ‘Maleta Boys’ – Lacson
MANILA, Philippines — Hindi umano kayang pahinain ang propesyonalismo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang nasa likod ng posibleng tangkang destabilisasyon na kinasasangkutan ng 18 “Maleta Boys”.
Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson at giit na malinaw nang itinakwil at inilayo ng mga uniformed service ang kanilang sarili sa 18 dating sundalo na nagsabing naghatid sila ng mga maletang puno ng pera sa ilang personalidad na iniuugnay sa iskandalo sa flood control.
“Huwag nila gamitin ang 18 ex-Marines as a rallying point para mapagalaw ang ating Armed Forces. They should know the members of AFP and the PNP better than how they assume na ‘yung kikilos o hindi. They should know them better than that, kung sino man ang nasa likod nito,” dagdag niya.
Ayon kay Lacson, maaaring naagapan na ang anumang posibleng banta na may kaugnayan sa 18 “Maleta Boys” matapos magpatupad si acting Senate President Sherwin Gatchalian ng mas mahigpit na seguridad sa Senado at payagan ang mga empleyado na magtrabaho mula sa kanilang mga tahanan.
Binigyang-diin niya na patuloy pa ring bina-validate ng Senado ang impormasyong pang-intelligence na natanggap kaugnay ng naturang mga banta.
- Latest

















