^

Probinsiya

Barangay chairman sa Ilocos, binistay ng bala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman nang bistayin ng bala ng dalawang lalaki na armado ng M16 rile at kalibre 45 sa Cabugao, Ilocos Sur nitong Biyernes.

Kinilala ang nasawing biktima na si Leo Ronnel Tabaco Taverna, 39-anyos, chairman ng Brgy. Turod-Patac, sa nasabing bayan.

Sa report ng Ilocos Sur Police, nangyari ang krimen dakong ala-1:45 ng hapon habang ang biktima ay nakaupo sa harap ng bahay ng kanilang kapitbahay sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang duma­ting ang pickup truck at bumaba ang dalawang lalaki.

Gayunman, bigla na lamang naglabas ng armas ang mga suspek saka pinagbabaril ang biktima na duguang humandusay sa lupa.

Ang mga suspect ay mabilis na nagsitakas matapos na mapuruhan ang target.

Nagawa pang maisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang tserman pero idineklara nang dead-on-arrival.

Narekober ng mga nagrespondeng pulis sa pinangyarihan ng krimen ang 15 basyo ng bala ng M16 rifle at 10 basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with