^

Metro

Nene minolestiya ng lolo, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Nene minolestiya ng lolo, arestado
Sa ulat ng Marikina City Police Station, isinilbi sa akusadong si alyas “LCS,” ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness alas-11:10 ng umaga, sa transport terminal sa Marikina City ng San Roque Police Sub-Station 1.
Philstar.com/ Jovannie Lambayan

Nakipanood ng TV

MANILA, Philippines — Inaresto ang isang 50-anyos na top 5 most wanted person sa ­Marikina City nitong Huwebes, Hunyo 11. Dahil sa pangmomolestiya sa isang nene na naki­panood ng te­lebisyon sa kanyang bahay.

Sa ulat ng Marikina City Police Station, isinilbi sa akusadong si alyas “LCS,” ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness alas-11:10 ng umaga, sa transport terminal sa Marikina City ng San Roque Police Sub-Station 1.

Nabatid na naganap ang insidente noong Oktubre 5, 2025 sa bahay ng akusado sa nasabing lungsod.

Kapitbahay umano ng biktima ang akusado kaya tiwala itong pumasok at manood ng telebisyon sa bahay ng huli. Hindi nagtagal ay tinabihan siya at ­isinagawa ang makamundong pagnanasa.

Sa takot ng biktima ay nagtatakbo itong ­umuwi sa kanilang bahay at isinumbong sa mga magulang ang ginawa sa kanya.

Naisampa ang reklamo at naisulong sa korte na nagpalabas ng warrant of arrest.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with