Pagkawala ng Facebook, Messenger, Instagram nag-trending
Netizens nag-panic
MANILA, Philippines — “Trending” sa X (dating Twitter) ang bigla na “Facebook down” at “Instagram down” nang biglaang hindi ma-access na social media accounts nitong Biyernes ng gabi.
Batay sa X, dakong alas-11:40 ng gabi sa Pilipinas, nagpahayag si Meta communications director Andy Stone na pabalik na ang serbisyo bagamat hindi pa 100%.
“We’re coming back, though it may take a bit of time for everything to be fully back to normal,” pahayag ni Stone sa ulat ng X.
Batay sa DownDetector—ang real-time monitoring tool ng libong online services, libu-libong ulat ang natanggap bandang alas-8:40 ng umaga (oras sa Estados Unidos), na ang pinakamataas ay umabot 113,000 alas-8:54 ng umaga.
Batay sa mga ulat na natanggap globally, 56% sa mobile app, 25% sa mga isyu ng pag-log-in, at 13% sa website platform.
Maging ang DownDetector ay nagpakita ng tab na “Page Not Found” kapag hinanap ang Facebook.
Maraming user ang nag-alala sa pag-aakalang na-hack, na- ban o naubusan ng data kaya hindi makapag-log-in sa social network app, habang ang iba ay tinangkang iresolba ang isyu sa pamamagitan ng uninstall at reinstall sa kanilang device.
Bukod sa FB, may isyu rin ang pag-access sa Instagram at sa desktop ng WhatsApp.
Samantala sa Estados Unidos, iniulat ng social media publisher na Ladbible na bagsak sa buong mundo ang milyun-milyong user ng apps ng Meta.
- Latest























