Ejay, balik sa pagda-drama

Naaalarma si Ejay Falcon sa datos na isa ang Mindoro sa may pinakamaraming bilang ng may HIV o Human Immunodeficiency Virus.
Kaya naman nang i-offer sa kanya ang pelikulang Behind the Smile, mabilis siyang napapayag kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang lalaking nahawa sa HIV ng kanyang misis.
At the same time, masasabing timely breather ang proyekto ng aktor lalo pa nga’t magkakasunod ang kanyang ginawang action projects gaya ng Roja, Blood vs Duty at Bad Boy 3.
Actually, akala niya ay special role lang ang gagampanan niya sa nasabing pelikula. Pero, lumaki nga ito nang lumaki hanggang sa maging mahalagang parte na ng istorya ang karakter niya.
Kuwento niya tungkol sa kanyang role nung nakausap namin ang actor sa intimate presscon ng pelikula: “Ako si Jeric, asawa ni Miss Jennica Garcia, ni Mia, na victim ng HIV. So ‘yun, nahawa ‘yung karakter niya, tapos ‘yung anak namin, namatay dahil nga, ‘di ba, HIV kasi, eh, nagkakahawahan ‘yan, eh.
“So isang pamilya kami na, ako nahawa ako ng aking asawa, pero ‘yung asawa ko na si Mia, si Jennica, hindi naman niya ‘yon nakuha sa sey, panlalalaki ‘yung HIV, parang nagkaroon lang siya ng… parang naturukan… ‘yun, nahawa siya du’n and then nahawa ‘yung anak namin. So namatay ‘yung anak namin sa story,” paghahalad ng aktor at dating Oriental Mindoro vice governor sa ginampanan niyang papel sa nasabing pelikula.
Bukod aniya sa maraming matututunan, sa Oriental Mindoro pa raw kinunan ang Behind the Smile kaya naman ganu’n na lang ang effort niyang tapusin ang movie kahit lagare siya sa isa pang project noon.
“Excited ako sa mga ganitong pelikula kasi dito natin pwedeng ipakita sa ating mga audience, especially sa mga kabataan, na sana bago nila ginagawa ang isang bagay, eh, pinag-iisipang mabuti, pinag-aaralan mabuti kung ano ang magiging epekto nito sa kanilang buhay at sa kanilang kinabukasan,” diin ni Ejay.
Mahalaga raw na ma-educate ang mga taga-roon kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng ganitong sakit at paano maging compassionate sa mga nagpositibo rito sa pamamagitan ng kanilang pelikula
Bilang dating vice governor, sey ni Ejay, masarap din sa pakiramdam na madala ang shooting sa lugar nila para ma-witness ng mga dating constituent ang proseso ng paggawa ng pelikula.
“Ang sarap ng feeling habang nagsu-shooting kami, ang mga tao dumadaan, tinatawag ako. So, hindi ako pulitiko, as an artista. So nakikita nila kung pa’no ginagawa ‘yung shooting, papa’no ‘yung mga ilaw, papa’no ‘yung anggulo ng kamera, papa’no umarte ‘yung artista,” tsika pa ng aktor.
Mula sa panulat at direksyon ng kapwa-Mindoreñong si Direk Lawrence Roxas para sa Gilbert Obispo Films, nasa Behind the Smile rin ang dating child actor na si BJ “Tolits” Forbes at si Mike Lloren. Introducing naman ang former Binibing Silka na si Dana Alexa Cada.
Nakatakda itong magkaroon ng premiere screenings sa Maynila at sa Oriental Mindoro in time para sa National HIV Prevention Month sa July bukod pa sa block screenings sa iba’t ibang parte ng bansa.
Ngayon pa lang, ani Direk Lawrence, napag-uusapan na ang pagkakaroon nito ng part 2 at ang posibleng pagpapalabas nito via streaming pero wala pa silang binanggit kung saang streaming.
- Latest






















