Lani, may tinanggal sa kanyang title

Hindi humihinto si Lani Misalucha sa edad na 56. Panibagong simula ito para sa kanya, sa sarili niyang paraan.
Inalis na niya ang “Asia’s” sa kanyang titulo at tatawagin na lang siyang The Nightingale. Para sa iba, parang may iniwan siya, pero para kay Lani, ito ay pagbukas ng matagal na niyang pintong gustong pasukin.
Opisyal itong inanunsyo sa isang intimate event ng Hartman Communications sa Tap Room ng Manila Hotel.
Kuwento ni Lani, matagal na niyang planong gamitin lang ang “Nightingale” mula pa noong Las Vegas days niya, pero ngayon lang nagkaroon ng tamang tiyempo.
“Unang-una, noon pa man, gusto na namin na ‘Nightingale’ lang – especially nu’ng nag-start na ako sa Las Vegas. Although somehow, hindi ko ginagamit ‘yung Nightingale nu’ng nasa Vegas ako. Kasi ‘yung ginagamit nila sa ‘kin nu’n, ‘Siren of the Strip.’ So parang ‘di nagamit ‘yung ‘The Nightingale’ for a little bit. Hanggang sa eto na, bumalik-balik na ako sa Philippines nu’n. So, of course, doon ako nag-umpisang nakilala through the name ‘Asia’s Nightingale.’ So, of course, we have to carry it,” sey ng singer.
Open for collaboration ng music si Lani at isa sa dream collab niya ay kasama ang BINI.
“My gosh. Hello. Sila talaga ang known globally. After Coachella, my gosh. Unreachable na talaga sila. Kasi meron akong friend na gusto silang kuhanin. Talagang ahead of time, pero talagang hindi kinakaya ng schedule,” sey ni Lani na gusto ring maka-collab ang Cup of Joe and Over October.
Fil-Brit actress, kasama sa supergirl
Masuwerte ang 14-year-old Filipina-British actress na si Eve Ridley, dahil kabilang agad siya sa main cast sa kauna-unahang niyang pelikula na Supergirl.
Kasama niya ang mga bida na sina Milly Alcock (Supergirl) at Jason Momoa (Lobo).
Batay sa komiks ni Tom King, tampok sa Supergirl si Eve bilang si Ruthye Marye Knoll, isang batang alien na manggagawa na nais maipaghiganti ang kanyang ama na si Krem of the Yellow Hills na ginagampanan ni Matthias Schoenaerts.
Isinilang si Eve sa Tyneside, England, na anak nina Matthew at Monalisa Ridley. Mayroon siyang kapatid na lalaki na si Aidan Ridley.
“So my grandma grew up in the Philippines and my mom is half Filipino,” sey ni Eve na hindi pa siya nakakapunta sa Pilipinas.
“I really want to go to the Philippines someday. It looks like such a beautiful island country. I really want to go to one of the beaches there. They look so tropical and gorgeous. I really want to learn Tagalog as well because, you know, I get to communicate with family over there.”
Bago sumabak sa movie, gumanap muna si Eve bilang batang Eponine sa UK Tour ng Les Misérables. Naging voice actress din siya sa animated series na Peppa Pig.
Ilan sa mga TV series na ginawa niya ay BBC One’s Casualty, 3 Body Problem, The Witcher at Blue Eye Samurai.
Olivia Rodrigo, may pinagdaraanan sa tenga
Inamin ng Fil-American singer na si Olivia Rodrigo na may problema siya sa pandinig sa kanyang kaliwang tenga. Kinuwento ito ng 23-year-old Grammy winner sa KISS FM UK’s radio show.
“There’s quite a lot that’s wrong with me. I’m actually like, 60 percent deaf in my left ear. So, if you were to sit on this side of me and try to tell me a secret, I couldn’t make out what you were saying. So if you need to tell me a secret go right ear.”
Taong 2023 pa niya naikuwento sa Hollywood Reporter ang tungkol sa hearing problem niya. Nagsimula raw ito sa isang hearing test noong nasa kindergarten pa lang siya.
Kahit may kapansanan sa pandinig si Olivia, naging sikat siyang singer dahil sa hit songs niya na Driver’s License, Vampire, Drop Dead at Good 4 U.
She will kick off her Unraveled Tour on Sept. 25, 2026.
- Latest



















